"Ziyena, stop drinking already." pagsuway saakin ng aking kaibigan. Walang buhay akong tumawa at pinagpatuloy ang paglaklak ng beer. I don't do wine or champagnes, like what usually rich people drinks. Solve na ako sa simpleng beer. "Alam mo, di ko makuha ba't ka naglalasing. Wala ka namang boyfriend na manloloko na ikakalaklak mo ng alak, at mas lalong maayos naman ang pakikitungo mo sa parents mo. Ang weird weird mo, Zien." sambit ni Nea na inirapan ko lang.
I just wanna have fun. Bawal ba yun? I'm celebrating kasi sa wakas ay pinayagan na ako ng strict kong daddy na magbar kasama ang friends ko. And I'm also happy na sa wakas ay naging strict din sya sakin.
Napangiwi ako. My Dad and Mom aren't strict to me. Simula lang ng nag-aral si Alzamira sa states ay itinuon nila saakin ang kanilang pansin. Alzamira is my spoiled twin. Sya ang paborito ng parents ko. Kaya nga spoiled diba?
Though, hindi man directly na sinasabi saakin ng parents ko ay ramdam ko na mas gusto nila si Alzamira saakin. Kinagat ko ang labi ko. Ang mga kuya ko lang ata at ako ang hindi may gusto sakanya.
Masyado syang pabebe, tapos ang plastik plastik, gustong gusto na nasa kanya ang atensyon, tapos akala mo kung sinong reyna makaasta sa bahay. HAYST. Sarap lang ilunod sa sabaw.
Apat ang kuya ko. Si kuya Dylan, Cyper, Aljur, at Zleandro. Pare pareho silang one year ang gap sa isa't isa. Hindi ko alam kung anong meron pero ang hilig hilig nila na iispoil ako.
Alam nila na ayaw saakin ng kakambal ko. HAH! Mismong kakambal ko ha. Ayaw nya saakin sa atensyong nakukuha ko dahil mas talented ako at mas mahal ako ng grandparents namin at ng mga kuya namin.
Ewan ko din sa mga lolo at lola namin at ayaw na ayaw kay Alzamira. Sabi ni Lola ay one minute ang gap saakin ni Alzamira. Ang sinabing dahilan saakin ni Lolo Alfredo kung bakit paboritong paborito ng parents ko si Mira (Alzamira), dahil daw ay akala nina Mommy at Daddy na isang bata lang ang dinadala ni Mommy kaya nagisip sila ng pangalan at ang naisip nila ay Alzamira Cassey Buenaventura.
Alam nila ang gender daw ng baby pero hindi nila alam kung ilan talaga ang baby. Kay ng ipinanganak ako kasunod ng Kakambal ko ay hindi nila alam kung ano ang ipapangalan nila. Iipinaubaya nila ang pagpapangalan kina Lolo Dashier at Lola Zylene na mga magulang ni Mommy ang pagpapangalan sakin.
Para daw matchy matchy ay Alzyiena Cassidy Buenaventura ang naging pangalan ko. Although mas unique ang name ko, paborito parin si Mira ng parents ko.
"Guys. Dance floor lang ako." hindi ko hinintay ang isasagot nila at agad akong tumayo para sumayaw.
The dance floor was already crowded. The music was already wild. I blended in and move my hips to the music. Gusto ko lang magbreak free ngayon. At bukas ko na aalalahanin ang mangyayari.
I felt someone bumped on my back. Masyado na akong dala ng music at kalasingan ko para bigyan pa ng pansin ang bumangga.
Pero para akong nabuhayan at nawala ang kalasingan ko ng may matipunong braso na pumulupot sa bewang ko. Para akong statwa na nanigas sa kinatatayuan ko.
I heard a baritone chuckle.
"What's the problem there, pretty lady?" nagsitayuan lahat ng balahibo ko ng marinig ang baritono nyang boses. Hindi naman sya creepy, it's just sending a unknown sensation to me. "A-anong ginagawa mo?" ang lakas ng pagtibok ng puso ko. Hindi ko din alam kung bakit. Siguro dahil sa kaba? No. Hindi yun.
I felt him smirked. "I'm touching what's mine."
Naguluhan ako. Nangunot ang noo ko at kulang na lang ay magkaroon ng dosenang question mark ang ulo ko. I shooked my head. Mine? His? Tsk. I'm nobody's.
Hinarap ko sya at halos mapugto ang hininga ko sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Parang isang dangkal na lang ata ang distansya namin. Isang galaw nya lang ay magkakahalikan na kami.