/0/97057/coverorgin.jpg?v=2d27dd8693a7f5862bd6c3800fc73a6a&imageMogr2/format/webp)
"Madam, ito na po si Zella, ang sinasabi ko sa inyo na papalit kay Venus." ani Nanay Helen sa amo niya. Andito kami ngayon sa mansyon ng pamilyang Hernandez.
Nagmamay-ari ng isang konpanya kung saan gumagawa sila ng mga sasakyang pang karera, pati na din mga luxury cars. Sikat na sikat ang Hernandez Cars sa buong bansa. Sila ang nangunguna sa larangan ng mga sasakyan. Kaya hindi maipagtataka kung bakit bilyonaryo ang pamilya nila.
"Welcome hija, come here. Sit down." anang babae na nasa mid 50s yata ang edad.
Sopistikada at kahit may edad na, maganda pa rin ang hubog ng katawan nito. Suot ay magarbong damit na nagsusumigaw ng karangyaan. Ngunit mayroong napaka among mukha. Naupo ako sa sofa at kaharap ko sya, habang katabi ko si nanay Helen.
"Magandang umaga po." bati ko kay madam.
"Zella iha, kamusta? Nag-aaral ka pa ba? Bakit ka mamamasukan bilang katulong? Wala sa itsura mo ang maging kasam-bahay lang iha." may lungkot sa mga mata na sabi ni madam Sonia.
Nagulat ako sa tanong nya. Ganito naman palagi pag nag-aaply ako ng trabaho. Half australian kasi ako, ang papa ko ang australian. Pero bago pa ako maipanganak naghiwalay na sila ni mama. Nakuha ko sa kanya ang gray eyes ko. Maputing balat at may freckles ako sa aking mga balikat pero hindi naman ganun kadami. Matangos din ang aking ilong, tama lang ang kilay at may mala hugis puso na mga labi na mamula-mula. Kahit anong bilad ko naman sa araw hindi ako nangingitim.
"Ahh... eh... sabi po kasi ni nanay Helen kailangan nyo daw po dito ng kasam-bahay. Nag-iipon po kasi ako para sa pang kolehiyo ko. Mahirap po kasing matanggap sa trabaho kong highschool pa lang ang natatapos." Tumango si madam.
"Wag po kayong mag-alala madam. Nasubaybayan ko ang paglaki ng batang ito bago namatay ang kanyang ina. Kaya masisiguro ko sa inyong mabait ito at mapagkakatiwalaan." ani nanay Helen.
"Naku naman, nay Helen hindi ka magiging mayordoma dito kung wala akong tiwala sayo. Kaya, kung sino man ang dalhin mo ay may tiwala na rin ako." ngisi ni madam at tumingin sakin.
"So iha, gusto mong makapag-aral ng kolehiyo hindi ba?" ani madam. Tumango ako.
"Sige, ako na ang bahala sa pang kolehiyo mo. Ipakita mo lang sakin na masipag ka sa trabaho, kahit anong kurso pa yan iha, ako ng bahala." ani madam na may malaking ngiti sa labi.
Talaga ngang mabait ang pamilyang Hernandez!
"Nay, iisa lang ba talaga ang anak nila madam Sonia at sir Darius? Ang laki ng mansyon nila, tapos wala pa dito ang nag-iisa nilang anak." tanong ko kay nay Helen habang naghuhugas ako ng pinggan.
"Ay, oo Zella. May PCOS kasi noon si madam kaya matagal bago sya nabuntis. At noong nabuntis siya, sobrang hirap nag dinanas niya. Kaya nakapag desisyon ang mag-asawa na tama na ang isa nilang anak. Total eh lalaki naman ito, si Taiden na lang daw ang bahalang magpakalat ng apelyedo nila." aniya habang nagtitimpla ng kape.
Ganun pala yun. Pero bakit sa mahigit isang taon ko dito ay hindi man lang umuwi ang anak nilang si sir Taiden? Napatanong ako kay nay Helen.
"Eh, bakit hindi ni minsan man lang umuwi si sir Taiden nay? Hindi ba nya nami-miss sila madam at sir? Ang lungkot kaya nun. Sya lang naman mag-isa. Samahan pa nitong bahay na sobrang laki." sabi ko. Ngumisi si nanay Helen at nagtaka ako.
"Matigas kasi ang ulo nitong si Taiden iha, palaging napapatawag sa school sila madam noong nag-aaral pa yun dito ng elementarya. Kaya pinadala nila sa amerika. Siguro ay huling taon nya na ngayon sa kolehiyo kung hindi ako nagkakamali." ani nanay helen habang humihigop ng kape. Kaya pala.
Basagulero naman pala. Kawawa naman sila madam. Kung ako ang naging anak mayaman. Talagang magpapakabait ako. Hindi ko bibigyan ng sakit sa ulo ang mga magulang ko. Nasa pangalawang taon nako sa kolehiyo. Tourism ang kurso ko dahil gusto kong maging flight attendant. Ito na talaga ang pangarap ko noon pa lang. Dahil pangarap ko noong magpunta sa australia para hanapin si papa.
Kung hindi pa ako nakapag trabaho dito, baka teacher ang kinuha ko. Kasi di hamak na mas mahal ang FA kesa maging guro. Buti na lang talaga at sobrang bait ng mag-asawang Hernandez. Ni minsan ay hindi ako napagalitan.
Maayos ko naman kasing ginagawa ang trabaho ko. Ang swerte ko nga eh, may taga hatid sundo pa sakin sa school! At private school pa talaga ako pinag-aral ni madam.
Oh di ba bongga?
"Ito na po ang tea nyo madam." sabi ko. Nasa opisina si madam dito sa bahay nila at may binabasa na papeles.
"Thanks Zella, iha." sabay tikim nya sa tea nya. Napaangat ito ng tingin sakin. "Kamusta ang pag-aaral mo iha?" ani madam.
Well madam, good grades pa din as usual. Matalino kaya 'to.
"Mabuti naman po madam at deans list pa din po ako." taas noo kong sinabi. Ngumisi si madam.
"Very good iha, ipagpatuloy mo lang yan. Alam kong maaabot mo ang pangarap mo. Hindi nako makapaghintay na balang araw, sasakay kami ni Darius sa eroplano at ikaw ang flight attendant namin." ani madam na nakangiti padin.
Minsan nami-miss ko si mama dahil sa sobrang kabaitan ni madam. Ganitong ganito din si mama sakin. Kung sana lang hindi sya nagkasakit. Sana ay buhay pa sya ngayon. At sana din ay maisasakay ko sya sa eroplanong pagta trabahuan ko. Si papa kaya, kamusta na kaya sya ngayon. Buhay pa kaya sya?
"Flowers por you beybi." ani Anjo Hardinero ng kalapit mansyon namin si Anjo.
Ito na naman at nanliligaw. Payatot si Anjo at moreno. Parang isang ubo na lang yata ay ikamamatay na nya sa sobrang payat nya. Ewan ko ba kong pinapakain pa 'to ng amo nya. Mukha kasing ngangat-ngatin na sya ng aso pag nakita sya.
Tinanggap ko naman ang dala nyang tatlong piraso ng rosas na pula.
"Salamat... baka kay maam Sofiya 'to ha! Lagot ka naman sa manliligaw no'n pag nalamang kumuha ka nanaman ng bulaklak galing sa mga dala ng manliligaw nya."
Palagi nya kasi 'tong ginagawa. Minsan pa nga may dala syang chocolates, akala ko binili nya. Yun pala galing sa manliligaw ni Sofiya. At nung hinanap na ni Sofiya para kainin. Wala na. Nasa akin na eh. Imported ba naman yun.
Napangisi naman sya. Halos makita ko na ang gilagid nya sa sobrang lapad ng ngisi nya.
"Naku hindi ah... galing sa garden yan. Ako mismo ang nagtanim nyan at nag-alaga." aniya. Malamang, hardinero ka eh.
"Hindi mo pa ba ako sasagutin beyb?" ani Anjo na naka puppy eyes pa.
Nakakakilabot syang tingnan. Kung bakit ba naman kasi malaki ang mga mata ng lalaking 'to! Kulang na lang lumuwa ito! Pero aminado naman ako na sobrang bait nito. Kahit na wala sa itsura.
"Anjo, diba nga sabi ko sayo, ayoko munang mag boyfriend. Magtatapos pa ako. Ayoko ng distraction. May grades akong inaalagaan."
Kumunot ang noo nya na parang hindi ako naintindihan.
"Zella beyb, i been wayting por you all my life, noong hardinero lang ako nanligaw na ako sayo. Pero ngayon driver na rin ako. Nag improve na ako Zella beyb, pero puso mo hindi pa rin nagi-improve," pailing-iling niyang sabi.
My God! Sasakit ulo ko dito kay Anjo sa sobrang kulit.
"Uy Zella! nakita mo na ang bulletin board?" ani Suzie na bestfriend ko.
"Hindi...bakit ?" "Ikaw ulit ang Top 1 student! My gosh, titirik na naman ang mata ni Sofiya sa inggit sayo." sabay tawa nya.
Kaklase ko kasi si Sofiya. Simula noong first year college pa 'ko ay kumukulo na ang dugo nya sakin. Hindi ko naman alam ang dahilan. Kaya umiiwas talaga ako sa kanya at sa kaibigan nyang si Georgina.
/0/27120/coverorgin.jpg?v=3d3be8e327d3c4be513bde3bdd341213&imageMogr2/format/webp)
/0/20148/coverorgin.jpg?v=f65d6b75eef0dc1828e71f2c6775e47b&imageMogr2/format/webp)
/0/24467/coverorgin.jpg?v=8ab436c74892e222dfe90a543af34310&imageMogr2/format/webp)
/0/74435/coverorgin.jpg?v=e8c7fa33bf33d5abc93004a1bb4f0034&imageMogr2/format/webp)
/0/39287/coverorgin.jpg?v=64ae5ac9b35250e1b6c5628bf707be52&imageMogr2/format/webp)
/0/68029/coverorgin.jpg?v=24debae776f732ff13def1ec9c7e5eed&imageMogr2/format/webp)
/0/50505/coverorgin.jpg?v=6addc286a9fca5b18b4947a67a560fdb&imageMogr2/format/webp)
/0/69446/coverorgin.jpg?v=d97dd504864b58279208e5fec2ca6820&imageMogr2/format/webp)
/0/23813/coverorgin.jpg?v=1801009c0a2d1aaf0f1996bdf970096e&imageMogr2/format/webp)
/0/88507/coverorgin.jpg?v=255527dee83c635b0dcf07455a65039c&imageMogr2/format/webp)
/0/98227/coverorgin.jpg?v=f9e5dceee9c8de872760a299acf79574&imageMogr2/format/webp)
/0/63821/coverorgin.jpg?v=b7a49ce1ea431ee4d5d3da52c0b591e7&imageMogr2/format/webp)
/0/62481/coverorgin.jpg?v=ce5a7c96d13c60e7588ea0f2ba920047&imageMogr2/format/webp)
/0/63429/coverorgin.jpg?v=98a457879ca3f2df66a3edd44ce71bad&imageMogr2/format/webp)
/0/21796/coverorgin.jpg?v=6676b6df872db31330033d89f8957b10&imageMogr2/format/webp)
/0/57147/coverorgin.jpg?v=585fd8cce0102df30e5114bd55bcc066&imageMogr2/format/webp)
/0/65701/coverorgin.jpg?v=eb899752b638d08a64ef4863c6f43290&imageMogr2/format/webp)
/0/78639/coverorgin.jpg?v=bc41a95ea6a426366efd3c801ae92979&imageMogr2/format/webp)