That Prince Is A Girl: The Vicious King's Captive Slave Mate.
The Jilted Heiress' Return To The High Life
Rejected No More: I Am Way Out Of Your League, Darling!
My Coldhearted Ex Demands A Remarriage
Pampered By The Ruthless Underground Boss
His Unwanted Wife, The World's Coveted Genius
The Unwanted Wife's Unexpected Comeback
The Warlord's Lovely Prize
Secrets Of The Neglected Wife: When Her True Colors Shine
Celestial Queen: Revenge Is Sweet When You're A Zillionaire Heiress
NOTE: These may contain some scenes and languages that are not appropriate or suitable for young readers. You have been warned!
"What?" galit na tanong Ruther habang nagpapaliwanag si Zaire.
"Di ba sabi ko gawin nyo yan ng walang sabit, ay ano to?" dagdag pa ni Ruther at masamang tiningnan sina Zaire.
Ang alam ko lang ay naging palpak ang operasyon nilang tatlo at ngayon ay galit na galit si Ruther. Hindi ko alam kung anong inutos sa kanila ni Ruther pero ramdam kong napaka-halaga nito.
"Hindi sumunod sa usapan si Kyro, Leo." paliwanag naman ni Gio at pumagitna kina Zaire at Ruther.
"Sinabi ko naman sa inyo na wag kayong magtitiwala sa g*gong yun." sagot ni Ruther at lumayo sa kanilang dalawa.
"Anong nangyayari?" rinig kong bulong ni Bella, ang kasamang babae ni Shane kagabi.
Magkatabi sila ni Kyla at parehas na hindi alam ang nangyayari.
Lumapit si Zaire kay Kyla at pinapapasok ito sa kanilang kwarto.
"Oh, san ka pupunta Zaire?" matapang na tanong ni Ruther kaya napatigil sa paglalakad sina Zaire.
"Walang mapapala kung lagi mong inuuna ang init ng ulo. Nangyari na eh, bumawi na lang sa susunod." sabi ni Zaire habang nakatalikod samin.
"Hindi nyo kasi ginagamit ng ayos ang utak nyo." may diin na sabi ni Ruther kaya agad ko syang sinenyasan pero hindi nya ako pinapansin.
"Oh anong pinapalabas mo?" galit na tanong ni Zaire at humarap ulit kay Ruther.
"Tama na yan!" pigil naman sa kanila ni Shane at hinawakan si Ruther.
"Wag mo kong hawakan." galit na sabi ni Ruther at tinapik ang kamay ni Shane na nakahawak sa kanya.
Napa-iling na lang si Gio habang pinapanuod ang mga kaibigan nyang nagtatalo.
"Sa susunod ay ikaw ang gumawa kung ayaw mong pumalpak." sabi ni Zaire kay Ruther.
"Mabuti pa nga at wala akong maaasahan sa inyo." inis na sabi ni Ruther at kita kong ngumisi si Zaire.
"Baka nakakalimutan mong halos kaming tatlo ang gumagalaw sa trabahong to." nakangising sagot ni Zaire.