Madeline Iris
Nagulat ako ng may lumapag na libro sa harap ko kaya napaayos ako ng upo, may umupo sa harap ko dahilan para mabilis kong samsamin ang mga gamit ko.
"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong sa akin ni Krista na nakahalukipkip na nakatingin sa akin.
"Hindi kailangan ko lang mapag-isa." Sagot ko sa kanya pero bigla niya akong hinawakan sa braso dahilan para mapaigik ako sa sakit.
"Kapag kinakausap kita wag kang bastos!" Mahina pero madiin niyang turan kaya kinabahan ako.
"Pwede ba Krista tigilan mo ako at hindi ako papatol sayo." Tinapangan ko ang boses ko at pinilit na makawala sa higpit ng hawak niya.
"Ginawa mo ba ang iniuutos ko sayo?" Napatigil ako sa pagsukbit ko ng bag ko at tumingin sa kanya nang deretso.
"Wala kang karapatan na utusan ako kung gusto mo ikaw ang gumawa tutal mukhang desperada ka naman." Matapang akong sumagot sa kanya akma na akong tatalikod sa kanya pero sinugod niya ako pero nakailag ako sa akma niyang pagsuntok dahilan para mawalan siya ng balanse napatigil ang lahat nang studyante na nasa library dahil sa pagbagsak niya.
"Walanghiya ka!" Hiyaw niya na nakatayo agad at lalapit nanaman sa akin.
"Sige subukan mo lumapit sawa na ako sa pagiging bully mo! Hindi ako magdadalawang isip na ingudngod yang mukha mo sa semento." Napahinto siya at natulala sa galit kong boses narinig ko ang bulungan ng ibang mga studyante habang papalabas ako sa library.
Sawa na akong maging mahina at kawawa kaya pinag-aralan ko na hindi magkaroon ng panic attack kanina, nakahinga ako ng maluwag habang papaalis sa lugar na iyon.
Naglalakad na ako papunta sa gate ng campus habang kipkip ko ang mga libro ko ng may mabanga ako dahilan para mapaupo ako sa damuhan.
"Okay ka lang Miss?" Narinig kong tanong ng boses ng lalaki kaya napatingala ako sa kanya. Nakatingin sa akin ang lalaki kilala ko siya, siya ang Captain ng Football Club at ang step-brother ko.
"Madeline ikaw pala iyan hindi kita nakilala." Gulat niyang turan.
"Halika tumayo ka diyan di mo ba alam na may nagpapractice dito?" Inalalayan niya ako na makatayo saka ako tinulungan na pulutin ang mga gamit ko. Napatingin ako sa paligid dahil gusto ko mag shortcut ng daan ay napadaan ako dito sa may school field may mga naglalaro pala hindi ko napansin dahil sa pagmamadali ko.
"Pasensya kana di ko alam." Bulong ko inayos ko ang salamin ko at tumingin sa paligid nakita ko ang mga ka teammate niya na nagpapahinga sa kabilang bahagi ng footbal field.
"Sabay na tayo mamaya umuwi, si Kuya Tarick ang susundo sa atin." Habang naglalakad siya papunta sa isang bench na malapit lang sa amin nakasunod ako sa kanya at bahagyang tumango.
"May klase ka pa ba?" Tanong niya at tumingin sa akin.
"Wala na akong klase." Sagot ko sa kanya pagkalapag niya ng mga libro ko sa upuan.
"Hintayin mo na lang ako may dalawa pa kaming rounds." Muli akong tumango mayamaya pa ay tinawag na siya ng mga kasama niya kaya nagpaalam na siya saka tumakbo papunta sa football field.
Napabuntong hininga ako, tiningnan ko ang ID ko kung saan nandito ang picture ko sa ibaba ay ang ID number at ang pangalan ko.
Madeline Iris Gomez, ito ang pangalan ko ilang taon na rin ng muling mag-asawa ang aking ina at tumira sa mansion ng mga Rosenthal, ang asawa ng aking ina ay isang mayaman na business tycoon at mayroon siyang tatlong anak na lalaki.
Si Kuya Theo ang panganay, si Kuya Tarick ang pangalawa at si Tyron ang bunso isang taon lang ang tanda niya sa akin, mababait sila lahat at itinuring ako na parang tunay nilang kapatid, pero ang isa sa kanila ay hanggang ngayon ay kinaiilangan ko pa rin si Kuya Theo, na laging malalim kung tumingin at ang hindi ko medyo ko kinakausap dahil lagi siyang seryoso at tahimik.
Lagi siyang wala sa bahay dahil lagi siyang nasa Manila at doon nagtatrabaho, bihira namin iyon makita dahil kahit weekend ay hindi umuuwi bagay na kinagagaan ng kalooban ko.
Ayoko sa kanya kumpara sa mga kapatid niya, parehong mapagbiro at mababait sina Kuya Tarick at Tyron kaya palagay ako sa kanila.
Si Uncle Trey naman ay itinuturing kong ama dahil mabait siya at mula ng mapunta kami ni mama sa buhay nila ay naging masaya ang pamilya nila, namatay kasi ng maaga ang kanyang dating asawa kaya di niya masyadong nakakasama ang mga anak niya na naging malayo ang loob sa kanya dahil trabaho ang naging prayoridad niya.
Pero nang mag-asawa muli si Uncle Trey at dumating kami sa bahay nila ay bumalik ang dating walang buhay nilang tahanan sa muling pagkakaroon ng kulay at naging mas malapit na sila sa isa't isa.
Si mama ay masaya din sa kabila ng pangit niyang karanasan sa dati niyang asawa, anak kasi ako ni mama sa pagka-dalaga ang ama ko ay patay na daw iyon ang sabi ni mama kaya mag-isa niya lang akong itinaguyod dahil lumaki ang ina ko sa bahay ampunan.