That Prince Is A Girl: The Vicious King's Captive Slave Mate.
The Jilted Heiress' Return To The High Life
Rejected No More: I Am Way Out Of Your League, Darling!
My Coldhearted Ex Demands A Remarriage
His Unwanted Wife, The World's Coveted Genius
Pampered By The Ruthless Underground Boss
The Unwanted Wife's Unexpected Comeback
The Warlord's Lovely Prize
Secrets Of The Neglected Wife: When Her True Colors Shine
Celestial Queen: Revenge Is Sweet When You're A Zillionaire Heiress
C19 SMGB
“Excuse me, hindi ako nagseselos sa ‘yo no! kundi inis na inis ako dahil ang lakas ng loob ng kamay mo para pumulupot sa beywang ng mahal ko,”
“Manahimik ka nga!” hindi ko mapigilang napasigaw dahil sa sinabi niya. talagang pinagdidiinan pa niyang sabihin na mahal niya si Joseph.
Inis naman akong tumalikod sa kanya dahil napipikon ako sa sinabi niya sa akin.
“Hoy! Shira bruha! Saan ka pupunta?”
“Manahimik ka SIR!” inis kong sagot sa kanya habang binagsak ang pinto ng kanyang office. Nakakainis talaga siya. kani-kanila lang siya ang napipikon pero ang galing bumai ng loko.
“Shira,” Nilingon ko naman si Miles.
“Bakit?”
“Mainit ba ‘yang ulo mo? Ano na naman ba ang ginawa ng bakla nating boss sa ‘yo?” Tanong niya habang sinusundan ako. agad naman akong umupo sa aking upuan habang sumunod sa akin si Miles.
“Nasaan na pala ang pinagbigay ko sa ‘yo kay Sir Bryan kanina?” Nag-angat naman ako ng tingin sa kanya. Napatampal naman ako sa aking noo dahil ngayon ko lang naalala na kailangan ko ‘yong ibalik kay Miles matapos niya itong permahan.
“Wait lang kukunin ko,” agad akong tumayo at mabilis na pumasok sa office ni Sir Bryan, hindi na rin ito nag-abala pa na tingnan ako dahil alam naman niya na ako lang ang pumasok dito na hindi na kumakatok pa.
“Sama ka sa akin mamaya,” Wika niya naman sa akin ng iabot ko sa kanya ang folder.
“Saan?” tanong ko habang umupo ulit.
“Mag-bar kami mamaya, sumama ka na,” napaisip ko naman na masyado na rin akong stress kay dito sa trabaho lalo na kay Sir kaya hindi naman siguro masama kung sasama ako, hindi na lang ako uuwi sa unit ni Sir.
“Sige,”
“Talaga Shira?” tuwang tanong naman ni Miles sa akin.
“Oo, sabay na lang tayo mamaya do’n na lang ako sa inyo magbihis pahiram na lang din ng damit.”
“Oo naman marami akong damit na hindi pa nasusuot,”
“Sige kita na lang tayo after office,” ngiting wika ko sa kanya at tanging tango naman ang sagot niya sa akin.
“Hoy!”
“Ay palaka!” hindi ko naman mapigilang napasigaw dahil sa biglang pagsulpot ni Sir Bryan sa aking gilid. Hindi ko kasi napansin na lumabas ito galing sa loob ng kanyang office.
“Ano ba naman Sir, papatayiin mo ba ako sa gulat?” bakit ka naman nagugulat aber?”
“At sino naman ang hindi magulat sa ‘yo? Bigla ka na lang sumigaw dyan.”
“Hindi ako sumigaw no?”
“Ano ba ang tawag ng ginawa mo?” inirapan niya naman ako dahil sa sinabi ko sa kanya.
“Anong pinag-usapan niyo nu’n?” nakanguso niya naman wika sa akin.
“Itt’s private Sir,”
“Anong private? Walang private-private, sabihin mo na sa akin I command you,” maarte niya pang wika sa akin.
“Mag-bar kami mamaya,”
“OMG! Talaga?”
“Yes Sir, at hindi ka kasama,” ngiting wika ko sa kanya. Dumilim naman ang kanyang mukha dahil sa sinabi ko. akala mo ha.
“At sinong may sabi na hindi ako kasama? Excuse me, I’m your boss!”
“And partner,” ngiting dogtong ko sa kanya na ikinabilog ng kanyang mga mata.
“Tse! Basta sasama ako mamaya, kapag hindi niyo ako pasasamahin tatanggalin ko kayong lahat!” napansin ko naman ang takot sa mga mukha ng mga katrabaho ko dahil sa sinabi ni Sir Bryan.
“Call the girl you talk before.” maawtoridad niyang utos sa akin, kaya agad na akong tumayo upang puntahan si Miles, mukhang nagalit ko yata ang bakla.
“S-Sir, bakit po?” kinakabahan namang tanong ni Miles kay sir Bryan ng makarating kami sa kanyang harapan.
“Miss Brown said that you are going to bar with her.”
“Yes po Sir,”
“Then?”
“Then what?”
“P-po?”
“Why didn't you invite me?”
“S-sorry po Sir, akala ko po hindi po kayo sasam-.”
“How can you say hindi ako sasama! Samantalang you never told me?”
“S-sorry po Sir, s-sumabay ka na lang pos a amin ni Shira,”
“Okay, you may back to your work,” napansin ko naman ang ngiti sa kanyang labi kaya kaya kunot-noo ko siyang sinundan sa loob ng kanyang office.
“Bakit niyo ba kasi gustong sumama Sir?” kunot-noo ko namang tanong sa kanya.
“Bakit bawal ba?”