Login to ManoBook
icon 0
icon TOP UP
rightIcon
icon Reading History
rightIcon
icon Sign out
rightIcon
icon Get the APP
rightIcon
Hidwaan sa Dugo at Laman

Hidwaan sa Dugo at Laman

manilyn diolan

5.0
Comment(s)
228
View
7
Chapters

Iba't ibang kuwentong nakakakilabot at nakakatakot. Huwag kang lilingon! 'Pag lumingon ka, patay ka! Tumakbo hangga't maaari! Kung ayaw mong mabiktima ng nilalang na hayok sa dugo at laman!

Chapter 1 ABANDONADONG GUSALI

ABANDONADONG GUSALI

Naglalakad ako sa daan nang makita ko ang lumang gusali sa gitna ng kagubatan. Tanaw ko ito mula sa kalsada. Kinakapitan ito ng mga baging at tingin ko, walang tao ang pumapasok dito.

May karatola ring nakalagay na "NO ENTRY". Nakakatakot itong pagmasdan at mabigat din ang enerhiya sa paligid. Siguro, pinamumuhayan na ito ng mga ligaw na kaluluwa at mga elemento. May puno naman ng Mahogany sa gilid ng gusali. Napakalaki nito at mataas. Para bang sobrang tanda na ng punong iyon.

Ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad pauwi sa inuupahan kong bahay. Pagkarating ko, nakita ko ang may-ari ng bahay. Lumapit ako sa kanya at nagtanong.

"Ate, may alam po ba kayo kung ano ang nangyari sa lumang gusali na iyon? Bakit po ito inabandona?" tanong ko. Tinuro ko rin ang lugar kung saan ko ito nakita.

Malawak ang lupain kung saan nakatayo ang gusali. Maraming kahoy sa paligid nito at may mga sira ring sasakyang naroon.

"Ah, iyan ba, Iho? Ang establishment na 'yan ay pagmamay-ari noon ng mayamang negosyante. Maraming tao ang napadayo sa lugar namin noon dahil sa mga murang produkto na binebenta nila. Pero makalipas ang 20 years, bigla itong na-bankrupt. Marami ring empleyado ang nagreklamo sa kompanya na 'yan dahil mababa raw ang sahod at hindi pa ito on time kung magpapasweldo," ani ng may-ari ng inuupahan ko.

"Sa ngayon, wala ng nagtangka pang bumili sa lupain na 'yan dahil may nagmumulto raw. Kaya napabayaan na ito ng tuluyan matapos mapasakamay ng gobyerno ang lupain."

Patango-tango lang ako habang nakikinig sa kanya. "Pero may nagtangka bang pumasok na mga tambay sa loob ng gusaling iyan, Ate?"

"Wala na simula nung may nakita silang malaking aso sa loob niyan. May nakita rin daw silang malaking ibon pero hindi raw normal ang laki nito. Kaya naman wala ng nagtatangkang pumasok pa riyan."

"Ganoon po ba, Ate."

"Ipinagbabawal talaga ang pagpasok doon sa loob ng gusaling iyan, Iho. Baka kase, kapag may nakakita sa kanila na kawani ng gobyerno ay baka makulong pa."

Matapos kung malaman ang lahat ng 'yon ay nagpaalam agad ako at pumasok sa aking kuwarto. Umupo ako sa kama at napaisip. Hindi kaya may mali talaga sa gusaling 'yon? Na-curious ako sa lahat ng aking narinig.

Sa sumunod na araw, panggabi ang aking duty. Naglalakad akong mag-isa pauwi sa boarding house. Malapit lang naman kaya ayos lang. Nang mapadaan ako sa abandonadong gusali ay bahagya akong huminto at napatingin doon.

Napokus lang ang atensyon ko sa gusali kung saan kitang-kita ko ang isang nilalang na naroon. Mapupula ang mga mata nito ng masinagan ito ng sinag ng buwan. Nakaramdam ako ng takot kaya nagmamadali akong naglakad pauwi. Panay lingon din ako sa likuran ko, baka kasi bigla na lang akong atakihin ng halimaw na 'yon.

Hindi naman ako sinundan at ilang minuto lang ay nakarating na ako sa inuupahan kong bahay. Hingal at pagod ang inabot ko dahil sa pagmamadali. Pero ipinaglihim ko na lang ang nasaksihan ko. Naisipan kong makipagkaibigan din ng mga taga rito baka sakaling balang araw, maisama ko ito sa plano kong pasukin ang abandonadong gusali ng walang ibang nakakaalam.

Naisipan kong sa umaga papasukin ang gusali para tingnan kung anong nasa loob at sa pangalawang pagbalik ay sa gabi ko ito balak papasukin. Ngunit kailangan ko muna maghanda sa pagpasok kasi malaking hinala ko na isa iyong aswang batay din sa sinalaysay ni Manay Ernista. Pagmamasdan ko muna ito at oobserbahan ang paligid.

Lumipas ang ilang buwan ay may nakilala ako rito, siya si Charby. Magkatulad lang kami ng trip, iyong mahilig sa mga adventure sa buhay at tumuklas ng mga bagay-bagay. Kaya madali ko siyang naging kaibigan. Isa siyang matapang at ang ugali niya na walang iwanan kahit ano man ang mangyari.

Isang araw ay nag-usap kami ni Charby tungkol sa abandunadong gusali.

"Charby, alam mo ba ang abandonadong gusali na iyan? Minamanmanan ko iyan ng ilang buwan at medyo may napapansin ako. Curious lang talaga ako kung anong nasa loob niyan at gusto ko kasing matuklasan kung anong nasa loob. Pwede ba kitang isama kapag nakabuo ako ng plano para pasukin ang gusali?" tanong ko kay Charby.

Tumango naman siya at sinabing, "Oo, brad! Ako nga e gusto ring pumasok doon. Marami kasing storya na may nakatira raw, sabi din nila na may aswang o may nagbabantay raw diyan. May nakakita rin kasi na may isang malaking baboy na pumasok sa loob at ng mailawan ito ng flashlight ay pulang-pula ang mata. Hindi raw ordinaryo ang laki ng baboy kaya iba ang hinala nila sa nilalang na iyon."

"Sa palagay ko ay aswang nga iyon pero bago natin isagawa ang ating pagpasok ay magdala tayo ng proteksyon at dalawang beses tayo papasok diyan, sa umaga at sa gabi. Sa umaga aalamin natin ang bawat sulok at kung walang tao ay suyorin natin lahat ng sulok at ng sa ganoon ay mapagplanuhan natin sa pagsapit ng gabi. Itatapat natin sa dayoff ko sa Martes para makapaghanda tayo." Sumang-ayon naman si Charby sa plano ko. Mababakas ko sa kanyang reaksyon na nagalak siya.

Makaraan ang ilang mga araw, Martes ng umaga, nag-text ako kay Charby na maghanda ng mga dadalhin, iyong itlog na bugok, buntot pagi, asin, apat na walis tingting at itak kung sakali mang sasalakay sa amin ang aswang. Ang plano ko kasi ay lalagyan ko ang bawat sulok ng itlog na bugok kasi ayaw na ayaw nila ang baho niyan, nasusulasok ang mga aswang para hindi na makapagtago.

Baka kasi makapangbiktima pa o hindi kaya ay ako ang matripan. Mabuti ng maunahan. Kaya sinabihan ko na alas nuebe ng umaga, papasok kami roon. Hindi naman kami mahahalata kasi may mga sira-sirang sasakyan at may mga damong nagtataasan. Yuyuko kami papasok sa gusali para hindi kami makita ng mga tao kung meron man.

Kaya nagkita kami ni Charby ngunit napagplanuhan na hindi lahat ng pangontra ang ilalagay namin, tanging ang entrance ang di namin lalagyan para makapasok pa ang aswang kapag sumapit na ang gabi. Pagpunta nga namin ay agad naming naamoy ang malansang baho na para bang nabubulok na karne.

May mga buto at mga patay na mga hayop sa loob. Pinigilan naming sumuka noon at tinakpan ang aming ilong. Walang tao sa loob kaya inakyat namin ang itaas. Habang inihakbang ko ang aking mga paa paakyat sa hagdan ay sobrang lakas din ng tibok ng aking puso. Nagsimula na ring tumagaktak ang namumuo kong pawis sa noo.

Unang napansin namin ang mga dugo sa hagdan at dingding. Parang bagong natuyo na dugo. Dahil sa nakita ay mas lalo pa akong nakaramdam ng kaba at kilabot. Naisip ko na aswang talaga iyon kasi ganoon naman kapag ang bahay ng aswang ay malansa at mabaho talaga.

Agad naman naming nilagyan ng walis na pabaliktad sa likod at sa itaas. Sa itaas ay biniyak namin ang itlog na bugok at inaral namin kung saan kami dadaan papalabas kung magkaroon man ng habulan at kung manlaban man ang aswang ay di kami maghihiwalay.

"Charby mamayang gabi, tatakpan natin iyong mukha natin na parang naka hood nang sa ganoon ay hindi rin tayo mamumukhaan ng aswang at huwag tayong magbabangit ng ating pangalan dahil baka ang aswang ay malapit lang dito." Tumango naman siya sa sinabi ko.

Pagkatapos nga naming ilagay ang mga pangontra sa aswang ay umalis na kami at napagpasyahang babalik kami kinagabihan para sa pagmamanman kung may papasok o lalabas ba sa loob ng gusali.

Nang sumapit na ang alas singko ay sinabihan ko si Charby na maghapunan nang maaga at dalhin ang buntot pagi, itak at asin. Plano ko kasing isaboy namin lahat ng asin sa loob. Alas sais ng gabi ang call time kaya pagsapit ng alas sais ay nakapwesto na kami. Kung saan ang pintuan ay doon din kami nagmanman kung may papasok ba.

Medyo madilim na ngunit wala kaming nakita na may pumasok. Mat narinig kasi akong kuro-kuro na malakas daw ang pang-amoy ng aswang pero hindi namin alam na may kakayahan pala ang aswang sa ganoon.

Mayamaya pa ay may narinig kaming huni ng isang tiktik. Sa una ay malakas pa ito pero bigla itong humina at napansin namin ni Charby ang isang malaking ibon na pabulusok sa amin.

"Charbs! Ilabas mo ang buntot pagi at iwasiwas mo! Isasaboy ko naman itong asin," malakas kong sigaw noon sa kaibigan ko.

Nang medyo malapit na sa amin ang ibon ay hinampas ito ni Charby ng buntot pagi kasabay ng pagsaboy ko ng asin. Narinig namin at nakita namin noon na parang nasaktan ito at lumayo. Dumapo ang ibon sa sirang sasakyan at naging isang napakalaking baboy. Akma itong aataki kaya dali-dali kong binunot ang itak sabay tarak sa lupa at pakrus.

Nanlilisik ang mata nito at galit na galit. Sabi ko kay Charby, "Hagisan mo ng asin! Kapag malapit na, hampasin mo ng buntot pagi at sasaksakin ko ang aswang."

Takot na takot kami pero hindi kami nagpakita ng kahinaan. Narinig namin na para itong biik na nasaktan kaya bigla ulit akong nagsalita.

"Pumasok tayo sa loob, Charby! Kung papasok iyan doon natin dadaliin o papatayin!" sigaw ko at dali-dali na nga kaming pumasok sa loob.

Pagkapasok sa loob ay agad naming sinabuyan ng asin ang semento at ang baboy ramo. Natamaan namin ito pero naabutan pa rin kami. Bigla kaming sinunggaban nang mabilis kaya nakalmot kaming dalawa ni Charby. Napunit ang mga damit namin pero ang aming mga sugat ay hindi naman ito masyadong malalim.

Mayamaya, bigla na lang kumaripas ng takbo ang aswang palabas ng bahay. Nagpalibot-libot lang ang aswang at hindi na muling pumasok. Nahalata niya siguro at naamoy ang itlog na mabaho. Kaya ang natirang itlog na bugok ay ibinato namin ito sa pintuan at nilagyan na rin namin ng walis na pabaliktad.

Hinintay namin na aataki ang aswang. Nang tingnan namin sa labas kung saan ay nasinagan ng liwanag na nagmumula sa buwan ay kitang-kita namin na nag-iba ang anyo ng baboy ramo. Naging ibon ito at lumipad paitaas.

Kaya kami naman ni Charby ay dahan-dahan kaming lumabas sa gusali. Ako sa harapan at siya naman sa likod. Malapit na noon mag-alas onse kaya napagpasyahan na namin umuwi. Panigurado rin naman na hindi na iyon babalik pa sa abandunadong gusali.

Pagkarating sa bahay ay agad naming ginamot ang aming sugat gawa nong nakalmot kami ng aswang. Naisip namin na kung taga-amin man ang aswang ay malalaman din namin ito kung sino ang dadalhin sa ospital kinabukasan.

Sa inuupahan kong bahay na lang din pinatulog si Charby baka kasi e abangan pa siya ng aswang sa kanyang pag-uwi.

Kinaumagahan ay walang napabalitang residente na nagtamo ng matinding sugat kaya nasa isipan namin na baka dayo lang iyon sa lugar. Natigil na rin ang kababalaghan sa abandonadong gusali.

Wakas

Continue Reading

You'll also like

Chapters
Read Now
Download Book