A Heartthrob Dweeb [Tagalog] Book I

A Heartthrob Dweeb [Tagalog] Book I

LP4real

5.0
Comment(s)
1.9K
View
40
Chapters

Normal, may kaya, gwapo, matalino, at higit sa lahat ay ma-alaga. 'Yan ang mga katangiang natatangi kay Tar, ngunit sa isang normal na relasyon ay hindi niya mahanap ang tunay na saya at ligaya ng pag-ibig. Si Tar ay may kapatid na babae na siyang pinaka-iingatan niya, hindi niya ito pinapabayaan. Ano kayang pwedeng mangyari sa kaniya kung makilala niya ang kaniyang tunay na pag-ibig? Masisiyahan ba siya? Magiging kuntento ba siya 'pag nahanap na niya ito? Malamang ay madami siyang pagda-daanang hirap kapag sinubukan niya iyon. Tuklasin at tunghayan natin kung anong magiging kahihinatnan ng pagiging gwapo at matalino niya. A Heartthrob Dweeb [Tagalog] Book I ©2022

Chapter 1 Simula

"Maghiwalay na tayo Tar!"

"Bakit naman.. Jane?"

"'Di ko na kaya, 'di ko na kaya na pakinggan ang mga sinasabi nila!"

"B-bakit? Ano bang mga sinasabi nila?"

"Na.. na hindi tayo karapat-dapat at may gusto ka sa lalake, Tar 'wag mong isiping mali ang sasabihin ko pero tama naman sila. Pero.. sana 'wag kang magbago, Tar alam ko na ang swerte ko dahil naging jowa kita.. gwapo ka, may kaya, matalino, masyadong nakaka-akit at alam kong makakahanap ka pa ng mas better sa akin," tumulo ang nga luha ko hindi dahil sa hiniwalayan nya ako kundi dahil sa sabi nyang may gusto ako sa lalake. Oo alam ko sa sarili ko na isa akong bisexual pero para sa kanya pinilit kong maging totoong lalake.

Tinalikuran nya ako na umiiyak at sandaling katahimikan ang namutawi at umalis na rin ako.

*TOK TOK TOK*

Agad akong nagmulat ng mata dahil sa lakas ng katok na yon.

"Kuya andyan ang mga pulis! Hinahanap ka!" mabilis akong bumangon at binuksan ang pintuan, ngunit sa halip na si Mel na ang kapatid ko ang makita ko ay wala! Dali-dali akong bumaba ngunit walang tao at mas lalong walang pulis! Inis kong pinuntahan ang kapatid ko na nasa kwarto nya at ayun na naman ang malakas nyang tawa.

"HAHAHAHAHAHAHAHA!" sinimangutan ko lang sya dahil ayaw kong masira ang sira ko na talagang araw, char. Ayaw kong masira ang unang araw ko sa kolehiyo.

Pagkatapos kong maligo ay binilisan kong isuot ang plantsado kong uniporme, pagtapos kong mag-ayos at magsuot ng pampalinaw sa mata na eye glass ay agad akong bumaba upang mag-agahan.

"Bunso! Agahan na!" sigaw ko pa rito sa kapatid ko.

"Bilisan mo jan! Sabay tayong aalis sabi ni mama!" sigaw ko ulit.

"Talaga kuya? Andito si mama!?" sigaw nya pabalik tsaka lumabas ng kwarto nya.

"Gaga! Nagbigay lang ng mensahe andito na kaagad? T-teka! Bumaba ka na nga! Lalamig na yung pagkain oh!" sigaw ko tsaka naman tumunod yung hagdanan ibig sabihin ay pababa na sya.

"Hala! Ang bihis ah! Naka-eye glass pa! Ano yan? Bago? Astigg," sabi nya na gustong gusto ang postura ko ngayong araw.

"Hehe salamat," tanging naisagot ko nalang.

"Maganda yan para wala ng magkagusto sa'yo," sabi nya sabay upo at naglagay na ng kanin sa plato nya.

"Haha, loka loka. Hindi naman, gusto ko lang ng bago," sabi ko habang nilalagyan ng ulam ang plato kong may kanin na.

"Ahh," sabi nya lang. Sandaling katahimikan ang namutawi, ngunit binasag rin.

"Ah! Ano bang mensahe ni mama?" tanong nya.

"Na sabay tayong aalis ngayon at naghabilin sya na babantayan raw kita," sagot ko sa tanong nya.

"Ehh? Yun lang? At ano babantayan mo ako? Ano ako bata?" angil nya pa dito.

"Haha oo nga eh, ewan ko ba?" walang matinong sabi ko.

"Hahaha, wag nalang natin pansinin," at nagkatitigan kami sabay na.

"HAAHAHAHA!" natawa kaming dalawa.

Siya na ang nagligpit ng mga pinagkainan namin, inihanda ko muna yung kotse ko at sa labas ipinarada. Pumasok na muna ako sa bahay para kunin ang naiwan kong bag.

"Mel! Bilisan mo aalis na tayo!" pahabol ko bago lumabas ng bahay.

Nakarating kami sa paaralan ng tamang oras, sabay kaming pumunta ng kapatid ko sa kaniya-kaniya naminh classroom.

"Mel mauna na ako," sabi ko.

"Sige kuya.. bye," sagot nya tsaka kami nagbeso-beso. Nauna na akong umalis para hanapin ang classroom ko, by the way ang itsura ko pala ay yung tipong normal na estudyante lang, naka-eye glass, at nagdadala ng libro. Pumasok na ako sa silid aralan ko, umupo naman ako sa gilid na pinakalikuran, tsaka saktong pumasok yung guro namin sa syiensya. Hindi na ako nag-abalang makinig pa dahil noong nakaraang bakasyon ko ay puro pagbabasa lang ang ginawa ko.

Hindi ko talaga maiwasang isipin kung bakit ko napaginipan ang pakikipag-hiwalay ni Jane sa'kin, at mas lalong tumatak sa isip ko ang sinabi nyang parang mas gusto ko pa ang lalaki.

N A K A R A A N

"Ano ba Tar!? Tigilan mo na nga ang kakahabol sa'kin!" pagtataboy sa'kin ng isang lalakeng gusto ko.

"Pero gusto nga kita Liam, at hindi ko mapigilang pigilan ang nararamdaman ko para sa'yo," pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Pero mali eh, mali na magkagusto ka sakin, at isa pa hindi din kita gusto maging kasintahan. Oo alam kong magkaibigan tayo pero sana hanggang doon na lang," tsaka sya tumalikod. Hinabol ko pa sya ng tingin at nung mawala na sya ay iginala ko ang paningin ko ng dahan-dahan at nakita kong nakatayo doon si Jane sa may poste. Pinuntahan ko sya para kumprontahin kung anong narinig nya.

"Anong ginagawa mo dyan?" matigas na pagkakasabi ko.

"A-ah wala napadaan lang," mahinang sabi nya.

"Eh ano ang narinig mo?" paninigurado ko rito.

"W-wala!" utal na pagkakasabi nya.

"Siguraduhin mo lang na wala kang narinig, dahil kung ipagkakalat mo ang narinig mo ay mananagot ka sa'kin," galit na pagkakasabi ko dala ng rejection.

"Hmm? Paano kung may narinig nga ako?" natinag naman ako sa tanong nya.

"A-anong narinig mo?" utal na tanong ko.

"Hmm. Lahat! Lahat narinig ko," malakas na pagkakasabi nya na parang sinisindak pa ako.

"Anong balak mong gawin sa nalaman mo?" mahinahong pagkakasabi ko.

"Ano ba dapat? Siguro ipagkakalat ko na bakla ka?" tanong nya at nagulat pa ako kase bakit lahat ng tao kapag nagkakagusto kami sa kapwa namin lalaki ay iniisip na nilang bakla na kaagad? May mga espasyo pa naman sa puso namin para sa babae ah, at isa pa dahilan na iyon para isipin kong isa bisexual.

"Anong dapat kong gawin? Para pigilan ka sa binabalak mo?" kabadong sabi ko at tanging naiisip kong paraan para patahimikin sya.

"Hmm, gusto kita sa paraang nakikita ki.. gusto ko maging akin ka, naiisip ko nasa iyo na ang lahat. Hindi nasa iyo na talaga ang lahat, gwapo ka, may paghanga ako sa'yo at nakakaakit kang tignan, kaya gusto ko na maging jowa kita," nakahinga naman ako ng maluwag dahil yun lang ang kondisyon nya.

"Okay! Payag ako!" at iniabot ko ang kamay ko.

"Magaling, sige!" tsaka kami nagkamayan.

K A T A P U S A N - N G - N A K A R A A N

Pumasok ang ikatlong asignatura ngunit wala man lang akong interes, kanina na sabik ako kase unang pasok ko ito pero ngayon parang gusto ko ng umuwi. Sa kalagitnaan ng diskusyon ay may nakapukaw ng aking atensyon na kung saan binanggit ng aming professor ang tungkol sa kasarian, kasariang hindi ko maipaliwanag dahil nagkagusto ako sa parehong kasarian. Hindi ko maitatangging ako ay nagkakagusto sa dalawang kasarian at matatawag iyong bisexual.

"Okay, 'yan na muna sa ngayong araw," rinig kong anunsyo ng aming professor.

"Makaka-alis na kayo," tsaka kami nagsitayuan at nilisan ang silid-aralan na iyon, unang araw ko ito ngayon at gusto ko maging espesyal ang araw na ito. Nasa lalagyan ako ng mga gamit ngayon at isinisilid ang mga dala kong libro, dala-dala ko parin ang bag ko at nagpatuloy na sa paglalakad. Pinuntahan ko ang aking kapatid na babae sa kanilang silid upang sabay na kaming mananghalian.

Pagkarating ko at nag- antay pa ako ng ilang minuto bago may lumabas kaya kinalabit ko sya at tinanong.

"Nanjan pa ba si Mel?" tanong ko pero parang natulala naman sya sa mukha ko.

"H-ha? Ah oo andito s-si Mel," nabubulol na sabi nya.

"Mel!" sigaw pa nya at nag-antay nalang ako.

Continue Reading

You'll also like

The 5-time Rejected Gamma & the Lycan King

The 5-time Rejected Gamma & the Lycan King

Stina‘s Pen
4.9

COALESCENCE OF THE FIVE SERIES BOOK ONE: THE 5-TIME REJECTED GAMMA & THE LYCAN KING BOOK TWO: THE ROGUES WHO WENT ROGUE BOOK THREE: THE INDOMITABLE HUNTRESS & THE HARDENED DUKE *** BOOK ONE: After being rejected by 5 mates, Gamma Lucianne pleaded with the Moon Goddess to spare her from any further mate-bonds. To her dismay, she is being bonded for the sixth time. What’s worse is that her sixth-chance mate is the most powerful creature ruling over all werewolves and Lycans - the Lycan King himself. She is certain, dead certain, that a rejection would come sooner or later, though she hopes for it to be sooner. King Alexandar was ecstatic to meet his bonded mate, and couldn’t thank their Goddess enough for gifting him someone so perfect. However, he soon realizes that this gift is reluctant to accept him, and more than willing to sever their bond. He tries to connect with her but she seems so far away. He is desperate to get intimate with her but she seems reluctant to open up to him. He tries to tell her that he is willing to commit to her for the rest of his life but she doesn’t seem to believe him. He is pleading for a chance: a chance to get to know her; a chance to show her that he’s different; and a chance to love her. But when not-so-subtle crushes, jealous suitors, self-entitled Queen-wannabes, an old flame, a silent protector and a past wedding engagement threaten to jeopardize their relationship, will Lucianne and Xandar still choose to be together? Is their love strong enough to overcome everything and everyone? Or will Lucianne resort to enduring a sixth rejection from the one person she thought she could entrust her heart with?

Chapters
Read Now
Download Book