Mahirap magtiwala lalo na kung nasaktan ka. Masakit kapag 'yong binuo mong tao ay siyang sisira sa 'yo.
Minsan iniisip ko kung ano ang nagkulang sa akin. Minahal ko siya nang tunay. Pinaramdam ko sa kaniya ang saya at pagmamahal. Pero, pangloloko ang isinukli niya.
Pagkatapos kung manirahan dito sa Canada ay nagdesisyon akong bumalik sa Pilipinas. Handa na akong harapin sila. Handa na akong ipakita kung sino ang sinira nila noon.
Ang tanging dadalaw sa akin sa Laguindingan Airport ay ang kaibigan kong si Lexus. Our paths cross when he was still living in Canada, but he moved to Philippines last month.
"Lexus!" tawag ko sa kaniya nang makita ko siya sa waiting area. Dali-dali akong lumabas saka siya niyakap.
Throughout these tragic years, Lexus was the only one who comforted me when I felt nothing. Kaya iba nalang ang trato ko sa kaniya, hindi ko na lang siya kaibigan, dahil parang kapatid na ang turing ko sa kaniya.
"I miss you, Astrang." Niyakap niya ako pabalik. I glared at him after we hugged.
"I told you, don't call me like that," babala ko sa kaniya. I hate that, ayaw ko nang marinig ang pangalan na 'yan.
He laughed before he answered. "I love calling you like that! Astrang!" Humagikhik siya, kapagkuwan ay napahawak siya sa tiyan niya dahil sa tawa.
He knew why I hate being called like that. Halos buong buhay ko ay naibahagi ko na ata sa kaniya. In span of our two years friendship and counting, nagtiwala na ulit ako. Siya ang una kong pinagkatiwalaan pagkatapos 'yon mabuwag years ago.
Iniwasan ko na lang siya saka naunang sumakay sa sasakyan niya na nasa harap lang namin. Sumunod siya sa akin at sumakay na para magmaneho.
"Ang alam ko, demolished na 'yong bahay mo sa Macabalan. You can temporarily live at my house, wala naman akong kasama ro'n," pagiimbita niya sa akin.