THIRD PERSON'S POV
Hindi mapakali si Beth habang panaka-nakang sinusulyapan ang bawat kaklase niya na abala sa paggawa
ng kanilang science experiment.
Muli na naman niyang hinalungkat ang laman ng kaniyang bag, kahit katatapos lang niyang suyurin ang
bawat bulsa nito. Nilabas niya ang lahat ng laman ng kaniyang bag, mula sa mga notebook ay inisa-isa at
mabusisi niya itong tinignan. Lahat ng pahina ay matiyaga at inisa-isa niyang buklatin. Pero natapos na
niyang buklatin ang lahat ng walong notebook niya ay hindi pa din nito makita ang hinahanap.
Napabuntong hininga siya. Nakaupo lang naman siya pero daig pa niya ang nag- PE class dahil sa pagod
na nararamdaman niya ngayon habang sinusuyod ang laman ng bag. Maging ang kaniyang utak ay pagod
na din.
Sunod naman niyang tinignan ay ang mga libro niya. Kahit pa imposibleng naiipit niya roon ay tinignan
pa din niyang mabuti. Napakamot siya ng ulo. Nakakaramdam na siya ng pagkayamot.
Bumuntong hininga siya. Malakas at mabilis ang tahip ng kaniyang puso at namamawis din ang kaniyang
mga palad. Pakiramdam niya ay binabaliktad ang kaniyang sikmura dahil sa pangamba na
nararamdaman at prustrasyon na lumulukob sa kaniya. Malapit nang mag-uwian kaya dapat mahanap
na niya 'yon.
Nasaan ka na ba? tanong niya sa isip habang pilit inaalala ang mga ginawa at maging ang pinuntahan
niya sa buong maghapon sa eskwelahan. Nakaramdam na siya ng labis na pangamba. Paano kung may
nakapulot na pala?
Sa panghuling subject nila ng hapon na iyon ay halos wala na siyang naisaulo.
Sa murang edad ay abala ang kaniyang utak na mag-imagine ng iba't ibang nakakatakot na senaryo.
Hindi ito isang normal na araw para sa isang batang babae na kagaya niya.
Ang normal na araw para sa kaniya ay ang pagmasdan ng lihim si Kian. Si Kian na pinakaguwapong lalake
sa buong eskwelahan nila. Mula nang nag-transfer ang batang lalake sa kanilang eskwelahan noong nasa
ika-apat na baitang pa lang sila ay hindi na ito mawala sa kaniyang isip. Maging ang kaniyang panaginip
ay sinakop na nito.
Siya ang kaniyang unang crush. Puppy love kung tawagin.
Bahagya pa siyang nagulat ng tumunog ang bell. Sa lalim ng kaniyang iniisip ay hindi na niya namalayan
na tapos na ang klase nila. Paalis na ng classroom ang teacher nila. Ang mga kaklase niya ay kaniya-
kaniya ng inaayos ang kanilang mga bags.
Walang gana niyang inayos ang mga gamit sa loob ng kaniyang bag. Nang matapos ay muli niyang