Zachary POV:
Dumating na ang araw na makikita at makikilala ko na ang babaeng ipapakasal sa akin. Samarra Miel O' Harra. Bukod sa pangalan nito ay wala na akong alam tungkol sa kaniya. Tanging sina Kuya Zeke at ang magulang ko lang ang nakakakilala rito ng personal. Marami ng naikwento si Mom sa akin pero mas lamang ang 'di ko pakikinig dito dahil hindi naman ako interesado.
Matagal na nilang plano ‘yon, ang kasal ay gaganapin sa Old Palace Chester sa United Kingdom. Akala mo nga sila ang ikakasal, sila na ang pumili ng simbahan at reception, sila na rin ang kumuha ng mga Ninong at Ninang. Hindi man lang kami tinanong kung ano bang gusto namin. Basta na lang sila nagdesisyon, napabuntong hininga na lang ako 'pag naaalala ko ang sinabi ni Dad kanina.
"Kung hindi mo pakakasalan si Sam, wala kang makukuha na mana. Tapos na rin ang pagiging magulang namin sa’yo. Pumayag kaming hindi mo masundo sa airport si Sam kanina, pero ngayon, hindi ako papayag na hindi ka sumipot sa inihanda kong dinner para sa inyo. Sinasabi ko sayo 'wag mo akong umpisahan sa katigasan ng ulo mo, Zachary!"
Ala siete ang usapan, pero ala sais palang ay nakabihis na ako. Suot ko ang navy-blue na polo shirt at black pants. Hindi na ako nag-abala na mag-ayos dahil kukumbinsihin ko lang naman na umatras ito sa kasal at isa pa pagod ako galing sa Amanpulo.
Nang matapos na akong makapagbihis ay agad din akong lumabas sa aking silid at bumaba papunta sa living room, nakita kong naroon sila Mom and Dad na nanonood ng movie.
"Zach, you're so handsome!" bungad na bati sa akin ni Mom nang tumayo siya sa kaniyang pagkakaupo sabay yakap sa akin. Naramdaman ko ang bahagyang pagtapik ni Mommy sa aking balikat.
"Siguraduhin mo lang na wala kang gagawin na katarantaduhan sa harap ni Samarra. Magpakitang gilas ka, sa rami ng lalaking p'wedeng piliin ng magulang niya, ikaw pa ang napili para sa unica iha nila." Binigyan pa ako ng warning look ni Dad.
Napabuntong-hininga ako. "Yes, Daddy, I will not disappoint you," seryosong sagot ko at tumingin ng diretso sa kaniyang mga mata.
"Sige, lumakad ka na baka malate ka pa sa usapan n'yo, 'yong sinabi ko sayo, huwag kang aalis basta-basta doon at, umayos ka! Kung si Ezekiel lang hindi sana ako mag-aalala," pahabol pa ng kaniyang ama.
"Enjoy your date Zach, for sure you will like Sam," nakangiting sabi ni Mommy.
Nang nasa Buenavista hotel na ako agad kong tinungo ang roof deck kung saan ipinahanda ni Dad ang aming dinner sa pagkakaalam ko ay nasa penthouse ni Kuya Zeke si Samarra tumutuloy.
"Good evening, Sir, this way," bati ng waiter na naroon at iginaya na niya ako patungo sa aming table.
Agad akong naupo at nagmasid sa paligid, kapansin-pansin ang iba't ibang bulaklak na nakapalibot sa paligid ng kanilang upuan. Sa sobrang dami ng bulaklak aakalain mong may prososal na magaganap. May ilang staff ang naroon para magsilbi sa kanila. Mukhang pinaghandaan ng kaniyang ama ang dinner na ito, kahit ultimo manager na si Ms. Lyn ay narito.
Tumingin ako sa aking relo may kinse minutos bago sumapit ang ala siete pero hindi ko pa rin nakikita si Samarra, nanatili lang akong nakaupo at naghihintay.
Pero sumapit na ang ala siete wala pa rin ito. Kaya minabuti ko na lang maglaro sa aking cellphone para hindi naman kainip-inip ang aking paghihintay.
Ang ilang minuto...ay naging kinse... bente... trenta... Naiinis na ako, nang makita kong limang minuto na lang bago mag-alas otso.
Nakakailang tubig na rin ang aking nainom ngunit wala pa rin ito, napabuga ako sa hangin. Habang naiinip na nakatingin sa aking cellphone, ramdam ko bawat minuto tila bang katumbas ay isang oras.
"Aba't, parang nananadya na ata ito. 'Pag ito, wala pa bago sumapit ang alas otso y trenta. Aalis na ako, kahit magalit pa si Daddy."
Napagpasyahan ko na sanang tumayo ng may narinig akong nagsalita sa gawing likuran ko.
"Sorry, I'm late."
Hindi ko pa nagagawang lumingon, ay agad na itong nagpunta sa aking harapan. Hindi ko mapigilang matulala nang mapatingin ako sa kaharap ko. Ito ba si Samarra??
"Are you Mr. Zachary Cadden Buenavista?" tanong ni Samarra. Habang nakayuko itong inaayos ang suot na dress.
Napagmasdan ko siya ng maigi. Hindi ako makapagsalita. Effortless ang kaharap ko. Maamo ang mukha at walang kahit na anong kolerete. Medyo maga pa ang mata nito na halata galing sa mahabang pagkakatulog, makinis ang balat na morena. Ang buhok nito ay basa pa, na hanggang baywang ang haba. Naamoy ko pa ang mabangong sabon na gamit nito.
Narinig kong tumikhim ito, marahil para makuha ang aking atensyon. Napatingin ako sa kaniya, ang kilay niya ay magkasalubong at mukha niya ay, parang hindi na maipinta. Habang nakatingin sa akin. Napalunok ako at pilit ang ngiti, bigla akong kinabahan.
"I'm Zachary Cadden. But you can call me, Zach.”
Ngumiti ito kaya nakita ko ang magkabilang biloy sa kaniyang pisngi.
"I'm Samarra Miel."
"Fuck! Zach, para siyang anghel at ang lambot ng palad niya,"
"Ahmm... Forgive my manners. Have a sit." Naglakad ako palapit sa kaniya para alalayan na umupo.
"Nice to meet you Zach, sorry I'm late maybe I'm too tired. So, I didn't hear my alarm, kanina ka pa ba?" tanong ni Samarra na bahagya pa itong ngumiti.
"It's okay, hindi naman ako naghintay ng matagal," ani ko.
"Mukha mo, Zachary. Kanina ka pa naiinis 'di ba? At akala ko ba hindi ka, magpapakitang gilas sa kaniya? Ano ang ginagawa mo ngayon?” tuya ko sa aking sarili.
"Let's order, I'm already hungry," nakangiting sabi ni Samarra.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang nakatingin sa kaniya. Tinawag ko ang waiter para makapag-order na kami na agad naman lumapit sa amin. Mabilis na kinuha ng waiter ang aming mga order. Habang naghihintay kami ng pagkain. Kitang-kita ko ang pagkunot niya ng noo habang abala siya sa kakapindot ng kaniyang cellphone.
Malaya ko siyang pinagmasdan, mula sa buhok niya na mahaba. Ang kilay niya na parang iginuhit. Ang mahahabang pilik mata na bumagay sa mata niyang abuhin. Ang matangos na ilong. Ang labi na maliit na natural ang pagkapula.