Same Dream, Same Mind

Same Dream, Same Mind

Gun

5.0
Comment(s)
39
View
10
Chapters

Madaming hindi nakakakilala sa grupong SYZYGY. Kung meron may ay iilan lang. Pero kahit ganoon ay hindi parin sila nawawalan ng pag-asa. Naniniwala sila na dadating din ang tamang panahon para sa grupo nila. Kahit walang nakikinig, patuloy parin ang pag gawa nila ng kanta. Hindi sila tumitigil kahit pa na walang kasiguraduhan. Tinatak din sa isip ni Yunjin na kahit anong mangyari ay tutulong siya sa grupong napalapit na din sa kaniya.

Chapter 1 Plan

"Hindi ba bawal sa kanila yung makipag relasyon?"

"Gusto ko lang yung tao, Lumine. Hindi ko sinabing gusto ko maging kami."

Nandito kami sa isang bench malapit sa Gymnasium. Katatapos lang ng last subject namin at nag pasya kaming tumambay muna dito habang hinihintay ang akin kapatid.

"E, ganon nadin yon!" sinuklay nya ang buhok nang sumabog iyon dahil sa malakas na ihip ng hangin. "Gusto mo yung tao, ibig sabihin looking forward ka sa romantic relationship with him"

Napailing na lang ako dahil kahit anong explain ko sa kanya ay hindi rin naman nya ako maiintindihan. Hindi ba pwedeng humanga sa isang tao na walang involve na kahit anong feelings?

"You are risking your brother's career."

"Oh, so you are now concern to my brother, huh?"

The south cold breeze touches my face. Kahit hapon palang at may sinag pa ng araw ay malamig na. Ramdam ang nalalapit na Pasko.

"Hay nako, Yunjin!" Tumayo sya habang umiiling "Oh, andyan na yung kapatid mo!"

Lumingon ako at nakita si Jake na patungo sa amin. He's wearing a loose white long sleeve na tinernuhan ng itim na jeans. Ang kanyang blonde na buhok ay sumasabay sa pang hapong hangin na syang dahilan kung bakit nag lilingunan ang mga babaeng nadadaanan nya, iniisip kung saan siya unang nakita, ang iba naman ay sadyang nagwa-gwapuhan lang sa kaniya.

Pinatong nya ang kanang kamay sa ulo ko nung makalapit sya sa amin, habang ang isa naman ay nakasuksok sa kanyang bulsa. He grinned at me as he look to my best friend.

"Hindi ka ba sasabay samin, Lumine?" tanong nya sa kaibigan ko nang nakitang nag beso sya sa akin. Hinawi ko naman ang kamay nya sa ulo ko.

Umiling ito "Thanks, but no Thanks!" Sinukbit nya ang bag at tyaka nag martya patungong Gymnasium.

biglang umupo si Jake sa aking tabi.

"Daan muna tayong studio" tumingin ako sa kanya.

He has a white pale skin. White as milk. Kung maputi ako ay mas maputi sya sa akin. He's angelic face looks surreal. Mahahalata mong mabait at hindi kayang gumawa ng kahit anong kalokohan. He has this pinkish bow-shape lips na syang kinaiinggitan ko. Bakit kaya hindi ko namana yan kay Daddy?

"Bakit?" Nag angat ako ng tingin. Tumayo sya at sinukbit ang bag ko. "May recording kayo?"

Bahagya akong nabuhayan nang may biglang pumasok sa isip ko.

Kung may recording sila, paniguradong nandoon din sya!

"Tapos na." at doon nawala ang excitement na nabuo sa loob-looban ko. "Bago kita sunduin, nanggaling pa ako sa studio."

Simangot akong nakasunod sa kanya. E bakit pa kami doon pupunta?

Nang nakarating kami sa kotse nya ay agad akong pumasok sa passenger seat. Pinanood ko syang umikot patungo naman sa driver seat.

"Any plans for Christmas break?" Tanong nya.

Minane-obra nya ng isang kamay ang sasakyan para makalabas na kami sa parking lot ng school "Buckle up." aniya ng napansin nyang hindi pa pala ako nakakapag seat belt.

"Oh!" I said as a click the lock. "Wala naman, ikaw?"

For sure ay meron. Kahit hindi tanungin ay paniguradong may ganap siya or sila sa Pasko. Ganon naman taon-taon.

Kapag umaalis sya ay naiiwan akong mag isa sa bahay which is okay lang sakin. Mas pabor pa nga dahil tahimik ang bahay pag wala sya. At isa pa, hindi naman nya ako sinasama sa outting nilang magka-kaibigan.

Pero dahil sa nag tanong na sya, bahagya akong nag taka.

"We're planning to take a vacation at isasama kita." Tumingin sya sa akin nang huminto kami sa stop light.

"Kung wala kang plano" he said emphasizing the first word.

Sinong tatanggi?!

Nag pigil ako ng sarili. Ayoko mahalata nya na bigla akong excite. Kaya ng umandar muli yung kotse ay tumingin nalang ako sa labas ng bintana. Tinatago ang ngiti na kanina pa sumisilay.

"Sige lang, ikaw bahala."

Kahit gusto ko mag tanong ng ditalye ay hinayaan ko nalang na sya mismo mag kusang mag sabi sakin. Baka isipin pa nito na na e-excite ako!

Kung sila sila ang aalis at mag babakasyon, paniguradong kasama sya doon!

My God! Saan naman kaya kami mag babakasyon?

Hindi ko na namalayan na nasa studio na kami dahil sa libo libong idea na pumapasok sa utak ko.

Napansin ko lang nung huminto na ang sasakyan at malakas nyang pinitik ang batok ko.

Hawak-hawak ang nangangating batok ay sumunod na ako sa kanya sa loob. Hindi kalakihan ang building na ito kumpara sa iba. May limang palapag lang at ang pupuntahan namin ay sa pang lima pa.

Isang guard ang bumati sa amin. Tinanguan lang iyon ni Jake habang ako ay nag pasalamat nang pag buksan nya kami ng glass door.

Walang tao sa hallway. Medyo dim at malinis ang paligid. May mga nakasabit na painting tungkol sa music ang bawat pader na nadadaanan namin. Sa dulo naman ay ang reception.

"May nakalimutan?" Nangingiting tanong ng babae sa kapatid ko habang palapit kami doon. Nag taas ako ng kilay nang napansin na bago na ang nakatayo. Madalas ako dito kaya tanda ko bawat mukha nang bawat empleyado.

Where's Fiona? Nasisante?

I'm close to ate Fif. She's super nice and sweet. Mahinhin din pero hindi mahiyain. Nakakapag taka lang na wala siya ngayon dito

Nang nakalapit kami doon ay syang pag pasada nya ng tingin sa akin. Nag taas ako ng kilay kaya bahagyang nawala ang ngiti nya sa labi. Maybe she have no idea who I am.

"Nandyan pa ba si Owen sa taas?" tanong ni Jake

"Yes, sir-"

May sasabihin pa sana ang babae pero umalis na ang kapatid ko.

Woah! That's rude!

Tumingin ako sa kanya at nakitang nag bago ang timpla ng mukha nya. May problema kaya?

Kung ang hinahanap nya ngayon ay si Owen, paniguradong may problema nga sa grupo nila.

Sumakay kami sa elevator at ako na ang nag pindot. Pinag masdan ko sya sa reflection nya sa salamin. Isang buntong hininga ang pinakawalan bago bumaling sa akin nang napansin nya akong nakatingin sa kanya.

"Yeah, nag resign si Fiona." Sagot nya sa tanong ko na para bang narinig nya iyon kanina.

Oh, that's why. Sayang naman.

Tahimik kami habang patungo sa palapag. Nung makarating ay una syang lumabas

"Punta ka muna sa studio, doon ka muna, may pupuntahan lang ako."

Hindi ba ay si Owen ang sadya niya?

Hindi na nya ako hinintay sumang-ayon at dali dali syang pumunta sa kabilang dulo ng building kung saan doon naka-opisina ang kanilang manager.

Pangurado ay may problema nga o hindi kaya ay pinatawag sya.

Gaya nang sabi nya ay nag tungo nalang ako sa studio. May tatlong pinto sa isang mahabang pasilyo at kung liliko naman sa kanan ay may isang malaking pinto na syang dance studio para sa kanila.

Sa isang pinto malapit sa elevator ay ang studio. Ang pangalan ay nasa pinto at ang posisyon nya ay nasa baba noon.

Pag kapihit ko ng doorknob ay isang lalaking nakatalikod ang bumulaga sa akin. He's wearing a black hoodie, black bennie and a gray sweat pants. Kahit nakatalikod sya ay halatang nai-stress na sya sa babaeng nasa kabilang salamin.

"Again!"

Hinila ko ang bakanteng swivel chair at naupo sa tabi nya. Kahit dama nya ang presensya ko ay hindi na sya nag atubiling lingunin ako.

Owen is well known as a composer, song writing and a great singer. Lahat na ng talent ay nasa kanya na. Madami na din syang nalikhang kanta. Ang mga lyrics nya ay makabuluhan, masasaktan ka o hindi kaya ay para bang ina-alu ka pag pinakinggan mo ang mga 'yon. Kaya hindi kataka-taka kung bakit nakilala siya agad sa larangan ng musika.

Madaming artist ang nag papa-schedule sa kanya para sa recording, o hindi kaya ay sya ang nag co-compose ng lyrics para sa kanila. Nakakamangha dahil sa murang edad ay nag co-compose na sya.

Marunong din sya sa iba't ibang instrumento na syang kinai-inggitan ko.

Yun nga lang, kung ano ang i-kinasikat niya ay 'yon naman ang kabaliktaran sa buong grupo. Hirap silang makilala sa industriya, walang gustong makinig sa kanila dahil nga sa dami nila. Kung meron man, hindi ganon karami.

They are all talented. Self-producing team. Lahat din ng kanta nila ay sila mismo gumagawa, hindi lang si Owen ang kumikilos, kung hindi ang buong team mismo at kung titignan maiigi, lahat sila ay may itchura. Hindi lang basta-basta itchura. God knows what he did to them. They are all beyond perfect! Kaya nakakapag taka na hindi padin sila sikat hanggang ngayon.

Natawa ako ng bahagya ng makita ko ang konting pag ngiwi nya kaya ngayon ay kuno't-noo na syang napabaling sa akin.

Mukhang problemado sya sa artist na ito.

Wearing a sexy pink dress, Julia look so pissed when Owen makes her stop from whoever she's summoning. May pinindot sya para marinig sya ng babae sa kabilang salamin.

"Please, cooperate miss." Aniya sa mahinahon na boses pero bakas pa din ang iritasyon.

"Again!"

Nag simula ulit kumanta si Julia pero wala pa sa pangalawang stanza ay napangiwi na ako.

I'm not a good singer but I can hit a notes. Well, not as good as my brother but compare to this lady? May ibubuga naman ako kahit papaano.

Napanguso ako nang padabog na bumaba si Julia sa high chair. Isang buntong hininga ang ginawa ni Owen bago bumaling ng tingin sa akin.

"I don't understand why they're trying to enter this field even though they have no talent on singing."

Gusto ko matawa sa sinabi nya kaso biglang bumukas ang pinto.

"You know what?!" sugod nitong si Julia. "Kaya hindi kayo sumisikat dahil sa ugali mo! Akala mo kung sino ka?! Hindi mo ba ako kilala?!"

She's beautiful and famous. Madalas ko syang mapanood sa TV o hindi kaya ay makita sya sa magazines at billboard. Ang dami na nyang naging projects mapa teleserye or films. Maamo ang mukha nya. Mag kasing puti kami. Yun nga lang, mas matangkad sya kaysa sakin. She's the dream girl-type of girl.

But little did they know that her attitude is beyond too far when she's not in the camera.

"Miss Julia" inikot ni Owen ang kanyang swivel chair at inangat ng tingin si Julia. "Look, if you can see, I'm trying to help-"

Hindi pa man natatapos ang sasabihin nya ay tinalikuran na siya agad ng kausap. Padabog na hinili ni Julia ang kanyang bag sa coffee table at mabibigat ang paang tinahak yung pinto. Nakita ko pa si Stanley na napatabi at napataas ang dalawang kamay waring sumusuko nang nagulat sya sa biglaang pag labas ni Julia.

"Ano yon?" Natatawa habang nakaturo sya sa hallway.

"Gusto mag ka-album." sagot ni Owen.

"Ang titigas talaga ng ulo ng mga yon" ani Stanley.

He's wearing a plain black v-neck paired with flannel and black jeans. Tinanggal nya ang black face mask nya at inilapag sa coffee table.

"Kumain kana, Jin?" Inikot ko ang swivel chair para lingunin si Stan na ngayon ay may hini-hiwang cake.

"No thanks, Im good." Tanggi ko.

Nag taas sya ng kilay at tyaka nangising kumuha ng parte nya. Nilagyan nya din yung isang platito para siguro kay Owen.

"Sinabihan kana ba ng kapatid mo about sa outting?" tanong nya sabay subo sa cake.

Bigla ulit akong nabuhayan.

Hindi ko akalain na iisipin nilang isama ako. Kanino naman kayang idea na isama ako? Siguro ay nahabag ang aking kapatid sa akin kaya gusto nya akong isama.

"Yes, sinabi nya sakin nung papunta kami dito."

"Great!" Tumayo sya at kinuha ang isa pang swivel chair. Nilagay nya iyon sa gitna namin ni Owen at naupo.

"Kailangan kasi namin ng inspirasyon. Alam mo na? Comeback na next year." paliwanag nito.

Napatingin ako kay Owen na tahimik habang may chini-check sa kanyang laptop. Hindi ko ma-imagine ang pressure nya ngayon dahil gaya ng pag kakarinig ko ay masyadong biglaan ang comeback nila. They are not all well prepared.

Gusto ko sana itanong kung saan mag babakasyon ng biglang bumakas ang pinto at iniluwa non sina Henry at Vernon.

"Yohooo!" maligayang bungad ni Henry. Nang napansin ako ay dali-dali syang nag lakad patungo sakin. "Nandyan ka pala, Jin!"

"Yup, kasama ko si Jake!"

Tumingin ako kay Vernon. Ngumiti sya sa akin at nakipag fist bump. Sa itchura nila panigurado ay galing sila sa gym o hindi kaya ay sa dance studio dahil pareho silang pawisan.

Parehas ang tshirt nilang may nakatatak na SZGY. Ang bandang dibdib na parte ay basang-basa ng pawis kaya bahagyang bakat ang kanilang dibdib.

They are all well build dahil isa din yon sa mga kailangan. Of course! Mag pe-perform ka sa stage kaya kailangan masatisfied mo ang mga audience!

Well expect for me.

Sa tagal ko na silang nakakasama ay hindi na ako naiilang kahit mag topless sila at palibutan ako. Baka mandiri lang ako!

"Maligo nga muna kayo doon!" reklamo ni Stanley at bahagyang inilayo ang cake sa kanila.

"Ang arte ah!" si Henry. Aambang aabutin yung tinidor ni Stanley kaya tumayo na sya at inilayo lalo yung cake. "Pahingi!"

"Mag slice ka doon!"

Napailing nalang ako ng mag bangayan na yung dalawa. They are always like that. Sanay na ako.

"Madami pa tayong aayusin sa lyrics na pinasa mo sa akin." rinig kong sabi ni Owen. Nakapangalumbaba sya habang nakatutok sa kanyang laptop.

"Really?" si Vernon at dinungaw na din ang laptop. "Sasabihan ko din ang Hip-Hop team baka may idea din sila."

Minsan ay naiinggit ako sa friendship nila. Kahit pa na puro sila away ay hindi naman natatapos ang isang araw na hindi sila nag babati. Normal naman 'yon right? Lalo na sa kanila. They've been together for years and still intact!

Kudos to Sebastian for being a good leader. Kahit pa tagilid na sila sa industriya, ni isa sa kanila ay walang gustong sumuko.

Napatingin ako sa orasan ng studio ng napansin na hindi padin bumabalik ang aking kapatid. Pero ng makita ko ang papasok ay para bang mahuhulog ako sa inuupuan ko! Gusto ko nalang lumubog!

Damn!

Ewan ko kung anong itchura ko ngayon! Ni hindi man lang ako nakapag ayos man lang!

Akala ko ba ay tapos na ang recording pero bakit parang nandito pa din silang lahat?

Pero teka, hindi ba dapat ay matuwa ako?

"Huy ano yan?!" dire-diretcho ang lakad ni Derrick sa cake. Dahil bahagyang nakaharang si Vernon sa akin ay hindi nya ako napansin.

He's smile!

He's damn perfect smile!

"Why there's so many people here?" si Owen nang napansin na dumadami na ang tao dito.

Nag tama ang tingin namin ng bumaling si Derrick sa gawi namin.

My chest is going to explode!

Gusto ko kumalma pero bakit parang ka'y hirap?

"Mag si labas nga kayo!" bumaling si Owen sa dalawang kaninang nag babangayan, ngayon ay nag tatawanan na.

"Kanina kapa?" nakangiting tanong ni Derrick na para bang inaasahan nya ako.

"Ahhh.. yup?" umiwas ako ng tingin "I-I'm with Jake,"

Shit!

"Oh nandito sya?" luminga sya, waring hinahanap ang aking kapatid.

Gusto ko sana sabihin na dumeretcho sya sa office ng manager nila ng bigla syang mag salita.

The bright smile like a sunshine fluster on his face.

"Buti at pumayag sya na isasama ka namin sa outting. Noong una ayaw nya,e."

Nag taka ako sa sinabi nya. Nung napansin nya iyon ay bahagya syang natawa.

So, hindi idea ng kapatid ko ang pag sama nya sa akin sa outting nila?

"Idea ko."

Waring sinagot ng pumasok na 'yon ang tanong sa isipan ko.

Napatingin ako sa gawi na yon. He's wearing a oversized black tshirt and gray sweat pants when he approach me.

Joshua?

Continue Reading

You'll also like

Too Late: The Spare Daughter Escapes Him

Too Late: The Spare Daughter Escapes Him

SHANA GRAY
4.3

I died on a Tuesday. It wasn't a quick death. It was slow, cold, and meticulously planned by the man who called himself my father. I was twenty years old. He needed my kidney to save my sister. The spare part for the golden child. I remember the blinding lights of the operating theater, the sterile smell of betrayal, and the phantom pain of a surgeon's scalpel carving into my flesh while my screams echoed unheard. I remember looking through the observation glass and seeing him-my father, Giovanni Vitiello, the Don of the Chicago Outfit-watching me die with the same detached expression he used when signing a death warrant. He chose her. He always chose her. And then, I woke up. Not in heaven. Not in hell. But in my own bed, a year before my scheduled execution. My body was whole, unscarred. The timeline had reset, a glitch in the cruel matrix of my existence, giving me a second chance I never asked for. This time, when my father handed me a one-way ticket to London-an exile disguised as a severance package-I didn't cry. I didn't beg. My heart, once a bleeding wound, was now a block of ice. He didn't know he was talking to a ghost. He didn't know I had already lived through his ultimate betrayal. He also didn't know that six months ago, during the city's brutal territory wars, I was the one who saved his most valuable asset. In a secret safe house, I stitched up the wounds of a blinded soldier, a man whose life hung by a thread. He never saw my face. He only knew my voice, the scent of vanilla, and the steady touch of my hands. He called me Sette. Seven. For the seven stitches I put in his shoulder. That man was Dante Moretti. The Ruthless Capo. The man my sister, Isabella, is now set to marry. She stole my story. She claimed my actions, my voice, my scent. And Dante, the man who could spot a lie from a mile away, believed the beautiful deception because he wanted it to be true. He wanted the golden girl to be his savior, not the invisible sister who was only ever good for her spare parts. So I took the ticket. In my past life, I fought them, and they silenced me on an operating table. This time, I will let them have their perfect, gilded lie. I will go to London. I will disappear. I will let Seraphina Vitiello die on that plane. But I will not be a victim. This time, I will not be the lamb led to slaughter. This time, from the shadows of my exile, I will be the one holding the match. And I will wait, with the patience of the dead, to watch their entire world burn. Because a ghost has nothing to lose, and a queen of ashes has an empire to gain.

Chapters
Read Now
Download Book