"Mahal? Bakit ko naman mamahalin ang ang taong hindi ko kilala at sinungaling kagaya mo!" Nanginginig na duro niya sa akin at tumingin siya sa akin na para bang gusto na niya akong sakalin. Napapikit ako dahil sa pagsara niya ng gate na naglikha ng malakas na tunog. Sinampal ako ng katotohana ng mga salita niyang binitawan na hindi niya ako minahal dahil kahit kailan hindi ako naging parte ng buhay niya.
"Waiter!" sigaw ng isa naming costumer. Pinuntahan ko sila, isa silang istudyante base sa kanilang suot na uniporme. Tiningnan ko ang logo sa kanang bahagi ng kuwelyo ng kanilang uniporme, Hawkins International School basa ko rito. Diyan sa paaralan na iyan gustong mag-aral ni Sean sa college ngunit hindi ko naman yan afford dahil napakamahal ng tuition fee na umaabot ng milyon sa isang taon. Saan naman ako kukuha ng ganun kalaking pera? Kung ang suweldo ko bilang waitress ay sakto lang sa pang-araw-araw namin.
"Good day Ma'm, Sir. What's your order?" tanong ko sa kanila at abot taingang ngumiti.
"Two Chicken Fillet and Two Carbonara Pasta," sagot ng binatang lalaki na agad kong inilista ang sinabi niya.
"How about the drinks? We have coffee, shake, juice and tea," muli kong tanong, tumingin ako sa aking listahan upang isulat ang kanilang sasabihin. Narinig kong tinanong ng binatang lalaki ang babae niyang kasama. Nakita ko sa sulok ng aking mata na tumingin sa itaas ang babae at inilagay ang hintuturo sa kaniyang baba.
"Hmmm. Strawberry Shake," saad ng babae.
"And orange juice for me," dugtong ng binatang lalaki. Agad kong inilista ang sinabi nila at inulit kung tama. Inilagay ko sa tray ang order slip na nasa bintana na nag-uugnay sa kusina. Hawak-hawak ko ang tray na may lamang pagkain, hindi ko napansin na basa ang sahig na naging sanhi nang aking pagkadulas. Natapon ang mga pagkain sa isang matandang babae ngunit napakasopistikada kung titingnan base sa mga alahas sa kan'yang katawan.
"ARE YOU BLIND?" bulyaw nito sa akin habang nanlilisik ang mga mata.
"Sorry po, hindi ko po sinasadya," hinging paumanhin ko sa kan'ya habang pinupunasan ang kan'yang damit gamit ang tissue ngunit malakas niyang tinampal ang aking kamay kaya nahulog ang tissue sa sahig.
"Did you know how expensive this is, huh?" Turo niya sa kaniyang suot na damit.
"Kahit na ang buong taon mong suweldo hindi ito mababayaran!" sigaw niya sa akin. Napatungo na lang ako dahil sa kahihiyan at napakagat ng labi upang mapigilan ang nagbabadyang luha. Alam ko namang mahirap ako, hindi na niya kailangan pang ipamukha sa akin. Kasalanan ko ba na pinaganak akong mahirap. Iyan kasi ang mahirap sa mayayaman mahilig silang mangmaliit ng mas mababa sa kanila. Parepareho lang naman tayo ng kahahantungan...kamatayan.
"Im sorry for our employee's recklessness. We can settle this in my office so please follow me," hinging paumanhin ni Amanda ang aming manager. Umirap muna sa akin ang matandang babae bago sumunod kay Amanda.
"You too Miss Molina." Napatuwid ako ng tayo at agad na sumunod sa kanila. Pumasok kami sa isang maaliwalas na silid, may isang mahabang sofa, 32 inches na t.v at dalawang upuan sa harapan ng working table.
"Have a sit first." Inilahad sa amin ni Amanda ang dalawang upuan sa harapan ng working table. Maingat akong umupo rito baka kasi masira ko ito, tiyak na mamahalin ito.
"I want her to pay me," walang kagatolgatol na saad ng matanda pagkaupong pagkaupo niya.
"Pero hindi naman po nasira ang inyong damit nadumihan lang kung gusto ninyo lalabahan ko na lang," pangungumbinsi ko sa matandang babae. Nagbabaka sakaling pumayag siya ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Ang management na lang ang magbabayad sa inyo," saad ni Amanda, buti pa si Amanda marunong mangapa ng sitwasyon palibhasa nanggaling din siya sa hirap. Hindi katulad ng matanda na nasa aking harapan, napakamatapobre.
"That is fine," pagsang-ayon ng matapobreng matanda. Napahinga ako ng maluwag dahil sa pagsang-ayon niya. Nakita kong binuksan ni Amanda ang drawer ng kan'yang working table, may kinuha siyang papel dito at ipinatong sa ibabaw ng lamesa. Nabasa kong nagsulat siya ng ten thousand pesos tiyaka pinirmahan ang cheke. Iniabot niya ito sa matapobreng matanda na kanina pang masamang nakatingin sa akin.
"Iyan lang ang kayang i-offer ng management," saad ni Amanda. Ten thousand pesos para sa damit? Ano ba ang damit ng matandang ito, ginto? Tiningnan ng matapobreng matanda ang cheke nang walang emosyon na makikita sa kan'yang mukha.
"Puwede na," saad niya at agad na tumayo, tinaasan niya ako ng kilay bago umalis. Nagsalubong ang aking kilay at sinundan siya ng tingin. Puwede na? Huwag niyang sabihing kulang pa ang ten thousand pesos. Ano bang gamit niyang detergent? Puwede naman ibabad lang sa tubig na may bareta ang kan'yang damit at kaunting kusot ay tiyak na malinis ng muli ang kan'yang damit.
"Ibabawas ko sa suweldo mo ang ibinigay ko sa kaniyang pera hanggang sa unti-unti mo itong mabayaran." Bumagsak ang aking mga balikat at matamlay silang tinapunan ng tingin. Panibago na naman na bayarin. Ngumiti ako sa kan'ya at nagpasalamat bago lumabas ng silid.
*****
Naglalakad ako pauwi upang makatipid. Natanaw ko ang aming bahay ngunit kumunot ang aking noo nang napansin kong napakatahimik nito dahil sa ganitong oras dapat ay nag-aasaran na sina Letty at Sean. Binuksan ko ang pintuan ng aming bahay at bumungad sa akin ang kadiliman. Kinapa ko ang switch ng ilaw sa tabi ng pintuan.
"Inay! Sean! Letty!" sigaw ko ngunit walang tumugon. Pumunta ako sa kusina pero walang tao, pumunta rin ako sa kuwarto na nagbabaka sakaling maaga silang natulog ngunit nabigo ako. Natanaw ko ang basag na picture frame sa sahig ng sala. Nabalot ng takot ang aking puso. Maraming konklusyon na nabuo sa aking utak, paano kung may nangyari sa kanilang masama, baka may kumuha sa kanila o baka iniwan na nila ako. Napaupo ako sa aming upuan na gawa sa kawayan sa sala, napahilamos ako ng aking mukha gamit ang aking mga palad. Naagaw ang atensyon ko nang may tumawag sa aking pangalan, nakita ko si Aling Rosa na nakadungaw sa pintuan mula sa labas ng bahay.
"Stella! Nasa hospital ang nanay mo kasama niya si Sean, si Letty naman nasa bahay kanina pa umiiyak," bumagsak ang aking mga balikat dahil sa kan'yang sinabi. Ano bang klaseng buhay ito? Panay problema. Sumunod ako kay Aling Rosa na tinatahak ang daan patungo sa bahay nila. Nadatnan ko si Letty na basang basa ang mukha at humihikbi.
"Shhh. Tahan na," pag-aalo ko sa kan'ya habang marahan na hinahagod ang kan'yang likod. Tumingin ito sa akin na may takot sa mata kaya niyakap ko siya na kan'ya namang ginantihan.
"Magiging maayos si Inay 'di ba?" humihikbi niyang tanong sa akin. Hinawakan ko ang kanyang likod at pinaharap ko siya sa akin.
"Oo naman, kaya huwag ka ng mag-alala," paninigurado ko sa kan'ya habang hinahawi ang mga hibla ng kan'yang buhok na nakatabing sa kaniyang mukha. Nang bahagyang kumalma si Letty ay tumingin ako kay Aling Rosa.
"Ikaw na po muna ang bahala kay Letty," bilin ko kay Aling Rosa na tinanguan niya lang. Hinalikan ko si Letty sa noo bago nagpaalam.
*****
Pagkapasok sa hospital ay tinanong ko ang receptionist kung nasaan si Inay. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sinabi ng receptionist na nasa ICU si Inay. Nakita ko si Sean na nakatulalang nakaupo sa labas ng ICU.
"Sean ano ba ang nagyari?" Tawag pansin ko sa kan'ya tiyaka umupo sa kaniyang tabi. Parang may sili ang aking puwetan dahil hindi ako mapakali sa aking kinauupuan. Huminga ako ng malalim para kahit paano ay mabawasan ang kabang nararamdaman ko.
"Bigla na lang siyang bumagsak kanina. Hindi pa lumalabas si Dok," natutuliro niyang saad, napansin kong nanginginig ang kaniyang mga kamay na nakapatong sa kan'yang binti kaya ito ay hinawakan ko. Kahit naman ako halos mabaliw na kakaisip kung ano'ng posibleng mangyari kay inay. Agad kaming napatayo nang makita namin ang doktor na lumabas ng ICU habang iginagala ang tingin.
"Sino ang kamag-anak ni Mrs. Molina?" tanong niya kaya agad kaming lumapit sa kan'ya.
"Kami po ang mga anak niya," sagot ko sa doktor. Tiningnan niya kami nang may pagkaawa. Hindi ko kailangan ng pagkaawa mo, bakit maililigtas ba ng iyong awa si inay?
"May sakit siya sa puso at kailangan niya na manatili sa ICU upang maobserbahan," pagtatapat ng doktor bago umalis. Nanlambot ang aking mga binti dahil sa kan'yang sinabi, ibig sabihin malala talaga ang sakit ni inay. Kaya pala madalas siyang hindi makahinga at mabilis mapagod kumpara dati. Nakita ko si Inay na payapang natutulog, hinaplos ang ko kaniyang mukha. Bakit hindi mo sinabi na may sakit ka? Karapatan namin na malaman yun.
"Umuwi ka na Sean at bantayan mo si Letty. Ako na muna ang magbabantay kay Inay," saad ko kay Sean sa mahinang boses habang kay inay pa rin nakatingin. Nakita ko sa sulok ng aking mata na tumayo si Sean sa upuan at walang imik na lumabas ng silid. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at humiga sa sofa na inuupuan kanina ni Sean. Pakiramdam ko ubos na ubos ang lakas ko. Grabe naman kasi pinagsabay-sabay ang problema ngayong araw.
Wala na bang dadagdag para isang bagsakan na lang? Bumigat ang aking mga talukap ng mata hanggan sa tuluyan na akong nakatulog.
Other books by Merlytin
More