Love Unbreakable
The Unwanted Wife's Unexpected Comeback
Comeback Of The Adored Heiress
Secrets Of The Neglected Wife: When Her True Colors Shine
Moonlit Desires: The CEO's Daring Proposal
Bound By Love: Marrying My Disabled Husband
Who Dares Claim The Heart Of My Wonderful Queen?
Best Friend Divorced Me When I Carried His Baby
Return, My Love: Wooing the Neglected Ex-Wife
Married To An Exquisite Queen: My Ex-wife's Spectacular Comeback
"Agnes! Bilisan mo! Gisingin mo ang mga bata! I-empake mo lang ang mga mahahalagang gamit! Kailangan natin umalis ngayon din! "
Agad akong napabalikwas ng bangon ng marinig ang nanginginig at garalgal na boses ni papa. Dumating na pala ito galing sa trabaho, ang alam ko kasi ay sa susunod na buwan pa ito uuwi dahil sa may kalayuan ang distino nito.
Agad akong bumangon at pupungas-pungas na sumilip sa naka awang na pintuan ng silid namin ni ate. " Tama, si papa nga 'yon, mukhang sinugod niya ang malakas na ulan dahil basang-basa ito." Sa isip ko.
Bababa sana ako para salubungin ito, pero natigilan ako sa sumunod nitong sinabi.
"Agnes..." Papatayin nila ako! Alam na nila na may alam ako. Kailangan na natin' umalis! " Mahigpit na hinawakan ni papa si mama sa balikat at marahang itong niyugyog.
"Ano bang nangyayari Mario? Ano bang sinasabi mo? Pwede bang huminahon ka dahil wala akong maintindihan! " Naguguluhan nitong tanong sa ka biyak.
Dali-daling hinawi pasara ni papa ang mga makakapal na kurtina ng bintana at pinatay lahat ng ilaw, maliban sa maliit na ilaw sa altar na nag bibigay ng dim na liwanag sa kabahayan na sapat lamang upang magka kitaan sila.
Dahan-dahan akong lumabas ng silid namin at tahimik na umupo sa baitang ng hagdan. Hindi ko na narinig pa ang ibang sinabi ni papa dahil halos bumubulong nalang ito. mas malakas pa ang ingay ng patak ng ulan sa aming bubungan kesa sa boses niya.
Nakita kong agad na pumasok si mama sa silid nila, sa pag labas nito bit-bit na nito ang isang traveling bag.
"Igagayak ko na ang mga bata" sunod sunod na tumango si papa. Agad na rin akong tumayo sa kinauupuan kong baitang ng hagdan at sinalubong si mama.
"Ano pong nangyayari?" Tanong ko rito. "Bakit po tayo aalis?" Kahit madilim naaninag ko ang pamumutla ng aking ina. Marahil nagulat ito sa bigla kong pag sulpot.
Bago pa man ito makasagot ay may narinig kaming mga sasakyan na tumigil sa harap ng bahay. Hindi pinatay ang mga makina nito, sa halip ay lalo nilang iningayan ang silinyador ng mga sasakyan nila at sadyang itinutok ang head light ng mga sasakyan sa bahay namin dahilan para lumiwanag sa loob. Kasunod non ay ang sunod-sunod na katok sa pinto.
Mahigpit akong niyakap ni mama. Ramdam na ramdam ko ang nangangatog nitong katawan. Sumenyas si papa na walang mag iingay. Dahan dahan kaming bumaba ni mama at lumapit kay papa. Kitang kita ko ang pag bunot ni papa ng baril na naka sukbit sa kanyang likod at marahang ikinasa iyon.
Lalong lumakas ang mga katok sa pintuan. Niyayanig nito ang buong kabahayan, para itong magigiba.
" Ma, ano pong nangyayari? Bakit po nakapatay ang mga ilaw? "
Napalingon kaming lahat sa nag salita. Si kuya Carlos pala yon. Mukhang nagising din sila ni ate Beatrice dahil sa ingay. Magkasunod silang bumaba galing kwarto.
Muli kaming sinenyasan ni papa ng huwag maingay. Tumigil na ang sunod-sunod na pagkatok, sumunod roon ay ang magagaan na yabag na pumalibot sa bahay at saglit pa'y umalingaw-ngaw ang sunod-sunod na putok ng baril na nagmula sa labas. Mahigpit na yumakap si Ate Beatrice kay Mama. Tatlo na kaming tila mga dagang bahag ang buntot na nag sisiksikan sa isang sulok habang nakadapa. Lalong humigpit ang pag kakahawak ni papa sa kanyang baril. Parehas sila ni kuya Carlos na nakadapa sa sahig. Tahimik ngunit mabilis na gumapang si papa sa soffa namin sa sala, at mula sa ilalim nito nakita kong may kinuha itong isa pang baril na pina dausdos nito sa tiles para kay kuya.
"Isama mo ang mga bata, tumakas na kayo, dumaan kayo sa likod." Mando ni papa sa mahinang boses. Sunod- sunod na umiling si mama. Hindi na ito makapag salita. Puro hikbi lang ang maririnig mula sa kanya.
"Carlos, protektahan mo ang mama at mga kapatid mo. Kahit na anong gawin niyo huwag kayong titigil sa pag takbo!" Pabulong ngunit madiin na utos ni papa kay kuya.
Mabilis na pumasok si mama sa kwarto nila ni papa. Pag labas nito buhat na nito ang bunso naming kapatid na mag tatatlong buwan pa lamang. Tulog na tulog ito, walang ka muwang-muwang sa mga nangyayari.
Tila bumagal ang takbo ng oras ng makita kong bumuga ng dugo si mama. Hindi ko alam kung anong nangyari, napaka bilis ng mga kaganapan.
Nakikita kong bumubuka ang bibig ni papa, ngunit isang matinis na tunog lamang ang naririnig ko sa tenga ko. Ultimo, sarili kong boses, hindi ko marinig.