CHAPTER 1
WARNING: SPG | MATURE CONTENT INSIDE | R-18
“Sorry babe, I know it’s my fault. I was drunk and I was out of my mind. I can’t even remember what happened, I just thought it was you! Please, give me a chance and hear me out Nics. Hindi ko ‘yon sinadya at ginusto. Please maniwala ka naman! Mahal na mahal kita.” like a broken record, that phrase keeps on repeating in Nicola’s mind.
Mag-isa siyang naka-upo habang umiinom ng alak sa isang bar. Linulunod ang sarili sa alak para lang pansamantalang makalimot sa sakit na nararamdaman.
“Mahal? Sino’ng niloloko mo? Ako? Ha! Akala nya talaga magpapakatanga ako sa kanya!” she muttered silently but full of bitterness. “And really? To my f*cking best friend?!” napailing siya at ininom ang alak sa mismong bote, “Mga walang hiya! Mga baboy! Magsama sila! Mga ahas!”
Nanghihinang napasandal nalang siya sa couch. A lone tears suddenly escape from her eyes but she hurriedly wiped it.
No, don’t cry Nicz, they don't f*cking deserve your tears!
Parang sinasakal ang puso niya sa sakit na nararamdaman.
Imagine her first boyfriend for 2 fckin’ years just cheated on her with her freakin’ childhood best friend!? Saan ka makakahahanap no’n? Hindi lang isang taong pinagkatiwalaan nya ang nanakit sa kanya, kundi dalawa!
Ang mga ahas na ‘yon, mga walang hiya! How dare them do that to her? She loved and trusted them! Pero bakit nila nagawa ‘yon?! Drunk? Out of their minds? Ano yon?! As if kasalanan niya pa kung bakit nagpakalasing sila!
Bakit pa ba sila uminom kung hindi din naman pala nila kaya?! Mga walang hiya! Buti nalang talaga at bumalik siya, siguro tadhana na nga ang tumulong sa kanya para hindi siya magmumukhang tanga!
Throwback~
“Babe mamaya kana umuwi, please.” pabulong na sabi ni Aideen sa likod ng tenga niya.
Tumayo na siya galing sa pagkakaupo sa harapan ni Aideen ang dalawang-taon na boyfriend niya. Pinulot niya ang mga wala nang lamang bote, at pumunta sa kusina para itapon ang mga iyon.
Nandito sila ngayon sa condo ng boyfriend niyang si Aideen kasama ang childhood bestfriend niyang si Camilla. Ang dapat na movie marathon at food-trip date lang sana nila nila ng nobyo ay nadagdagan ng inuman ng alak.
Sinama niya kasi ngayon si Camilla dahil nag-aya ito na makipag-inuman sa kanya.
Gustohin man sana iyong tanggihan ngunit, hindi niya nagawa lalo na nang nalaman niyang kakabreak lang pala nito sa dati nitong nobyo.
Magkakakilala na naman ang kaibigan niya at si Aideen simula pa noong ipinakilala niya ito sa kaibigan nya bilang boyfriend niya dalawang taon na ang nakaraan.
Nanghingi din siya ng permiso kay Aideen bago niya dinala ang kaibigan sa condo nito, at sumang-ayon nalang din naman ang nobyo niya para lang hindi na makansela ang movie date nila.
“Oo nga bes, ubusin na natin ‘to oh. Last nalang to tapos uwi na tayo!”, pasigaw na usal ng kaibigan niyang si Camilla na nasa may sala para siguro marinig niya galing sa kusina.
Kanina pa kasi text ng text ang Mama niya at nagtatanong kung anong oras daw siya uuwi.
Sinilip niya ang kaibigan niya galing sa kusina at nakita niya itong tumutungga ng alak galing sa mismong bibig ng bote na nag pailing sa kanya.
Gusto niya pa naman sanang wag munang umuwi kaso hindi niya pwedeng hayaan nalang ang ina niya na mag-isa lang sa pamamahay nila.
Day-off ngayon nang Mama niya kaya alam nito na hindi pa siya nakakumauwi ng bahay nila kahit alas otso na ng gabi.
Bumalik siya sa may sala at ngayon naman ay ang mga plastic ng pinagkainan nilang chips ang pinulot niya at napausal sa isip niya;
Buti nalang at hindi naman sila masyadong nagkalat at baka langgamin pa si Aideen dito sa condo niya.
“Uuwiin ko na muna si Mama, kanina pa sha text ng text eh.”, kapagkuway sabi niya sa dalawang halatang ayaw pa siyang pauwiin.
Bumalik na siya sa kusina at tinapon ang dala niya sa basurahan.Kinuha niya ang cellphone niya galing sa bulsa niya at nagreply sa Mama niya,
To: SuperMama
Ma, pasensiya na. Papauwi na po ako.
Message Sent!
Pagkatapos niyang mag reply sa Mama niya ang inilagay niya muna ang cellphone niya sa ibabaw ng hapagkainan at pumunta sa may lababo para kumuha ng pamunas bago lumabas ulit sa sala at para punasan ang maliit na mesa doon.