searchIcon closeIcon
Cancel
icon 0
icon TOP UP
rightIcon
icon Reading History
rightIcon
icon Sign out
rightIcon
icon Get the APP
rightIcon
Between Ruin And Resolve: My Ex-Husband's Regret

Between Ruin And Resolve: My Ex-Husband's Regret

Marrying A Secret Zillionaire: Happy Ever After

Marrying A Secret Zillionaire: Happy Ever After

That Prince Is A Girl: The Vicious King's Captive Slave Mate.

That Prince Is A Girl: The Vicious King's Captive Slave Mate.

The Mafia Heiress's Comeback: She's More Than You Think

The Mafia Heiress's Comeback: She's More Than You Think

Jilted Ex-wife? Billionaire Heiress!

Jilted Ex-wife? Billionaire Heiress!

Too Late, Mr. Billionaire: You Can't Afford Me Now

Too Late, Mr. Billionaire: You Can't Afford Me Now

Too Late For Regret: The Genius Heiress Who Shines

Too Late For Regret: The Genius Heiress Who Shines

Diamond In Disguise: Now Watch Me Shine

Diamond In Disguise: Now Watch Me Shine

She Took The House, The Car, And My Heart

She Took The House, The Car, And My Heart

The Phantom Heiress: Rising From The Shadows

The Phantom Heiress: Rising From The Shadows

Ang Larong Sinimulan Natin

A Thousand Faces Hide The Genius Heiress' Wrath

A Thousand Faces Hide The Genius Heiress' Wrath

Cosimo Mohanty
Janice, the long-forgotten legitimate heiress, made her way back to her family, pouring her heart into winning their hearts. Yet, she had to relinquish her very identity, her academic credentials, and her creative works to her foster sister. In return for her sacrifices, she found no warmth, only deeper neglect. Resolute, Janice vowed to cut off all emotional bonds. Transformed, she now stood as a master of martial arts, adept in eight languages, an esteemed medical expert, and a celebrated designer. With newfound resolve, she declared, "From this day forward, no one in this family shall cross me."
Modern
Download the Book on the App

1998. Bayan ng Villapureza.

Hawak ni Mama Linda ang notebook na naglalaman ng listahan ng mga pangalan. Katapat ng bawat pangalan ang presyong ibinayad ng mga ito para sa bawat gramo ng shabu na kanilang binili. Marami rito ang tig-isang daan, mayroon din tig-dalawang daan at pinakamataas na ang tatlong daan. Salubong ang kilay ni Mama Linda habang iniisa-isa niyang sumahin sa pamamagitan ng calculator ang kabuuhang kita nila para sa pagbebenta ng bawal na gamot. Umabot lang ito ng 1,900 pesos. Masyadong maliit kumpara sa dating arawang kita nila na umaabot ng siyete hanggang otso mil. Epekto kasi ito ng mas pinalakas na kampanya ng lokal na gobyerno kontra ilegal na droga. Ang karamihan sa regular na parokyano nila Mama Linda ay lumipat muna ng ibang bayan para magpalamig at magtago sa mga pulis.

"Minggay, anak, mag-iisang linggo na yatang ganito ang benta natin. Ano bang nangyayari? Si Estong ba nakatok mo na sa bahay niya? Hinahanapan ako nu'n noong isang araw pa kaso sabi ko ngayong araw pa ang dating ng item." Ang "item" na tinutukoy ni Mama Linda ay ang shabung inaangkat pa nila galing Cavite.

"Oo, Ma. Kaso nung pinuntahan ko siya kanina, wala na raw siyang pambili. Nagastos na raw niya pambili ng gatas ng anak niya." Kalong niya ang kapatid na si Caloy habang sinusubuan ito ng kanin na sinabawan ng nilagang baka na hiningi pa nila sa kapitbahay. At para magkaroon ng dagdag na lasa, binudburan ito ni Minggay ng patis na siya na ring nagsisilbing ulam nito. Apat na taon na si Caloy pero sa payat na pangangatawan at pandak na anyo nito, mukha itong two years old pa lang.

Panay ang bugaw ni Minggay sa mga langaw na tila naghahabulan sa paligid. Galing ang mga iyon sa isang baradong kanal sa tapat ng bahay nila. Samantalang ang buong loob naman nila ay naiilawan lang ng gasera. Naputulan na kasi sila ng kuryente tatlong buwan na ang nakalilipas simula noong naging matumal ang bentahan.

"Eh anak, hindi tayo puwede maging ganito palagi. Tingnan mo mga kapatid mo, ang dami ng bungang araw. Init na init na kasi wala tayong electric fan. Itong si Edgar, tinutubuan na ng pigsa sa binti," sabay turo ni Mama Linda kay Edgar na mas bata kay Minggay ng isang taon. Hindi maayos ang mga paa nito dahil nasalanta ng polio noong musmos pa lang. Malinis na ang nakalapag nitong plato pero naka-rehistro pa rin sa malamlam niyang mga mata ang pagka-gutom.

"Hayaan mo, Ma. Gagawa ako ng paraan. Dedelihensya ako bukas." Sumubo rin si Minggay ng kanin pero hindi marami. Baka maubusan si Caloy.

"Huwag mong sabihing dudukot ka na naman sa palengke. Tandaan mong mainit pa ang mga tao sa'yo doon. Kung hindi lang dahil kakilala ng Kuya Iking mo 'yung ninakawan mo, malamang diretso presinto bagsak mo," banta ni Mama Linda na sige sa pagpaypay. Halos hindi na ito magkasya sa inuupang monobloc chair dala ng sobrang katabaan. Nagtataka tuloy si Minggay kung bakit ganoon ang tinuturing niyang ina gayong wala na nga sila halos makain. Baka siguro may tinatago itong mga ulam sa kabinet at pinapapak niya lahat iyon mag-isa kapag tulog na sila.

"Hindi, Ma. Hahanap ako ng ibang puwesto. Lilipat ako ng palengke. Doon ako sa Villadolid," pagsisiguro ni Minggay.

"Aba't sguraduhin mo lang anak na ayos ka doon. Wala akong pampiyansa sa'yo kapag nahuli ka." Tumayo si Mama Linda at iika-ika itong lumabas para magpalamig sandali mula sa mala-oven nilang bahay.

+-+-+-+-+-+-+-+-

Read Now
Ang Santo Sa Likod Ng Pinto

Ang Santo Sa Likod Ng Pinto

Delicate8
120 10
Dala ng matinding kahirapan, inutusan si Minggay ni Mama Linda na nakawin ang korona ng Mahal Na Birhen ng Villapureza upang may pambili sila ng makakain. Subalit, sa kalagitnaan ng tangkang pagnanakaw, nahuli siya ni Father Tonyo na siyang namamahala ng simbahan kung saan nakalagak ang istatwa ng
Young Adult SuspenseFantasyCurseHousekeeperKiller
Download the Book on the App
One-Night Stand With The Father of The Bride

One-Night Stand With The Father of The Bride

Lucy Ang
837 20
After a long period of widowhood, finally under the influence of alcohol, Mira spends a hot night with Rendi, the man she chose for her birthday. In the morning, she wakes up and runs away without seeing the face of the man who gave her so much pleasure last night. As time goes by, Mira tries to f
Billionaires R18+ModernSecret relationshipOne-night standLust/EroticaArrogant/DominantBillionaires
Download the Book on the App
Ang Larong Sinimulan Natin novel read online freeAng Larong Sinimulan Natin pdf free downloadAng Larong Sinimulan Natin epub vk downloadAng Larong Sinimulan Natin amazon kindleAng Larong Sinimulan Natin novel reddit
Read it on MoboReader now!
Open
close button

Ang Larong Sinimulan Natin

Discover books related to Ang Larong Sinimulan Natin on MoboReader. Read more free books online about Ang Larong Sinimulan Natin novel read online free,Ang Larong Sinimulan Natin pdf free download,Ang Larong Sinimulan Natin epub vk download.