Queen's POV
Bigla akong nagising sa liwanag na tumatama sa'king mga mata, argh!
Para saan pa itong kurtina kung masisilaw lang din ako sa liwanag mula sa labas?!
"My Queen, gising na po." Hindi ko na lang s'ya pinansin at patuloy na humiga at pumikit.
Umalis naman yung istorbo kong maid na nagpapagising sa'kin. Hayst, buti naman.
"My Queennn! Gising na pooo! Pinapababa na po kayooo!"
Bigla naman akong napabangon sa sigaw n'ya.
"Sh*t! Hindi pa ba halatang natutulog ako? Argh!"
Dahil sa inis ko, iyong umagang-umaga para akong bulkan na ang init ng ulo. Tsk, haynako.
"S-sorry po, pinapababa na po kasi kayo para mag almusal, sabi po ni Madam." Sabi nito at yumuko.
"Tsk sige, sabihin mo pababa na'ko. Maliligo lang muna ako tapos kakain na. Bilis, labas!" Sigaw ko kaya nagmamadali s'yang lumabas.
Wala akong pake kung sinisigawan ko sila. Tsk, mga istorbo sa buhay ko!
—Fastforward—
"Princess-" agad na bati nito sa akin.
"Cut that off Mom. 'Di na'ko bata para d'yan." Sabi ko habang kumakain ng kung ano dito sa lamesa. Hindi ko naman kailangang umupo, basta may maidampot lang ako ok na 'yon sabay kain ko doon. Hindi ba parang pang tamad?
"But... ok fine, your Dad and I have already talked about your school. You will move to another school, if you don't want to or if you want to."
At doon ako natigilan sa pagkain ko.
"What?! But why Mom? Wala naman akong bad records ah?!"
Matino ako sa school ko ngayon, mas matino sa dati kong school. Don't tell me gusto nila akong mag adjust ulit?!
"Ley anak, lower your voice, sorry pero hindi namin pwedeng sabihin sa'yo kung bakit."
Bakit naman hindi pwede?
"Ano naman yun? Bakit hindi pwede? Ang duga naman, nagdedesisyon kayo ng hindi ko alam? Mom, Dad, ayokong lumipat!"
Ok na ako rito sa school na pinapasukan ko tapos lilipat na naman?!
"Sorry anak pero kailangan mong lumipat, para naman sa ikabubuti mo ito."
Ikabubuti? Ok na nga ako sa school ko ngayon, hayst!
"Sa Zortron University ka ulit lilipat anak sa ayaw at sa gusto mo."
What the? Damn it!
"Ok, kung yan ang gusto n'yo pero may kapalit, sa dorm na lang ako titira at hindi rito."
Buti pala hindi pa ako nagbibihis ng school uniform ko. Hayst, nasanay kasi ako na maliligo muna then almusal tapos magbibihis na. Kapag kasi nagbihis ako agad, nakakalimutan ko na wala pa lang pasok kaya tatanggalin ko na naman.
So, ok na rin at nasanay ako sa gano'n.
"Yan lang ba gusto mo? Bibisitahin ka na lang namin sa dorm mo kung gusto mo. Bibigyan ka namin ng pera. By the way, may magsasabi sa akin kung anong nangyayare sa'yo doon sa loob. Kaibigan ko may-ari ng school na iyon. Magbigay ka na lang ng address kung na saan dorm mo."
Aba, pumayag agad si Dad? Gustong-gusto niya talagang lumipat ako?
"Ok Dad, tapos na ako kumain so aalis na muna ako. Aasahan ko yang pinag-usapan natin Dad, bye!" Matapos nang pag-uusap namin ay kinuha ko na gamit ko atsaka na ako umalis doon, narinig ko pa ngang tinawag ako ni Dad eh.
Hahaha! Alam ko kung saang school yun, sabi nga ni Dad, ulit, so nakapasok na ako doon noon and if I'm not mistaken. May mga kilala ako do'n at proud akong sabihin na mga kaibigan ko sila.
Ngayon ay pupuntahan ko muna sila sa school na iyon, pero 'di ko sasabihin na lilipat ako sa school na pinapasukan nila. Okay lang naman sa akin na mag-aral doon pero iba parin sa pinapasukan kong school ngayon.
Mga estudyante kasi ng ZU is mga malalandi, mayayabang, palaaway, maaarte, mga bully, may mga nerd din naman at s'yempre mga mababait, kaya sila yung napapagdiskitahan sa school na 'yon.
Pero iba naman sa pinapasukan ko ngayon dahil sa kanila pantay-pantay ang lahat kaya wala akong bad records dun pero mukhang sa school na ito. Babalik na naman ako sa guidance office-.- Mapapa-away na naman ako. Tsk, ginusto naman nila 'to eh, edi go!
Huwag lang sila magsasabi na, na guidance na naman ako or ano na namang kalokohan ang ginagawa mo like that.
Psh, it's really sucks!
Malapit na pala ako sa school, nag shortcut kasi ako. Para mapabilis ako, may ginawa akong sariling shortcut.
Nang makarating na ako ay pumasok na lang ako sa loob. 'Di naman nila ako pagtatanungin ng mga bantay dito kasi kilala na din naman nila ako dito dahil nga sa kaibigan ni Dad ang may-ari ng school na ito at pumasok na ako dito noon.
Agad akong nagtungo sa mga rooms, hinanap ko sila. Nakalimutan ko kasi yung room number nila-.- mabuti naman nakita ko din sila pero hindi sa room. Nasa canteen lang pala sila at kumakain
"Shocks! Ley, ikaw ba 'yan?" -Girl1
"Ohum..." Sabi ko na lang habang may laman pang pagkain bibig ko. May pagkain sila kaya kumain na ako haha!
"Wait, pwedeng tapusin mo muna yang kinakain mo at umayos ka nga. Nakakahiya oh, pinagtitinginan ka na rito!" -Girl2
"Ohh, sorry for that. Ok, I'm done, hello girls!!" Pagbati ko na lang sa kanila ng matapos ko ng kainin yung fries...sh*t! Nakaka-miss yung fries!
"Hello Ley, pero bakit ka nandito?" -Girl3
"Ahh hindi ba pwedeng bisitahin ko ang mga kaibigan ko rito? Parang ayaw n'yong nandito ako? Come on girls, I miss you all! " Sabay pout ko pa hahaha.
"Wow, take a minute! Himala at naisipan mong bisitahin kami dito?" -Girl2
"Is this for real? Sabihin mo na lang kasi kung anong pakay mo dito girl, pinagtitinginan ka na ng lahat dito sa canteen oh, so ano nga yun?" -Girl1
"Okay fine, lilipat ako dito girls. So ano, nasagot ko na ah." Pagsabi ko ng totoo sa kanila at ang mga babaeng 'to pati yung iba, mga nagsitilian din naman, hayst-.-
"Wahhhh"
"Gosh, lilipat si Queen dito!!!"
"Buti naman at may magtatanggol na ulit sa atin laban sa mga yun huhuhu!"
"Tama ka d'yan girl! Wahhhhh, thank you My Queen!"
At yan nagsigawan na din sila, mygosh!
"Wooooooh! Ley, seryoso lilipat ka na ulit dito? Wooh, thank god at nandito ka na ulit!" -Girl2
"Huh bakit? Parang gusto n'yo ng magparty ahh." Nakakapagtaka naman mga ikinikilos nila. Yung dalawa, magkahawak kamay tyaka tumatalon pa. Halatang tuwang-tuwa. Anong nangyayare?
"Ohmygosh! Nandidito na sila girls!" Sigaw ng kung sinong babaeng 'to. Sinong sila naman ang tinutukoy n'ya?
"Lagot tayo n'yan, nandito na sila! Ley, tahimik ka lang ah." Ani nitong kaibigan ko at tinanguan ko na lang s'ya sa sinabi n'ya.
May mga grupo naman ng mga kalalakihan ang bigla kong napansin na naglalakad papunta dito sa canteen. Sa pagkaka-alam ko apat sila, nabilang ko sila ng nasa pintuan pa lang. Bigla naman silang tumigil sa paglalakad ng may napansin yung isang lalaki sa harapan n'ya.
"What is this?" Seryosong tanong nito.
"Ahh, ibibigay ko lang sana ito sayo Prince Crave." Mahinahon namang sabi ng isang nerdy girl.
Tinanggap naman n'ya yung ibinigay ng babae pero...
"Wohhh!"
"Hala, lagot."
"Tsk, pabigay-bigay pa kasi."
Mga bulungan ng iba yan, malamang mga masasama ugali nila.
"Anong akala mo? Tatanggapin ko yang binigay mo? Baka nga may gayuma pa yan or worst, may lason 'yan." Matigas na sabi nito.
Tinapon lang naman n'ya yung cake na binigay sa kanya. Tsk 'di nya ba alam ang salitang 'appreciate'?
"Lumayas ka nga rito! Ayokong makita yang pagmumukha mo, alis!"
Aba't, walang respeto to ah?!