Kasalukuyang nagsusulat ng nobela si Katherine nang may kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto.
"Kath, are you busy?" tanong ng pinsan niyang si Arianne matapos ipagbuksan niya ito ng pinto.
"Yes. Why?" balik na tanong ng dalaga nang makaharap niya ang pinsan.
"Gusto ka raw makausap ni Lolo Delio," tugon kaagad nito sa kanya.
"Tungkol saan?" tanong naman uli ni Katherine. Wala siyang ideya kung bakit siya ipapatawag ng kanyang lolo sa opisina niyo dahilan upang siya'y mapaisip.
"Hmmm! Tungkol raw sa bagong ini-hire niyang personal bodyguard mo," diretsahaang sagot ni Arianne.
"What? Hays, si lolo naman. Sinabi ko na sa kanya noon na hindi ko na kailangan ng bagong bodyguard pa. Ayos naman si Kuya Fred ah!" naiinis na saad ni Katherine.
"Mabuti pa, mag-usap na lang kayo ni lolo." Isang positibong payo ni Arianne dahil iyon ang pinakatamang gawin para maging malinaw ang sa pagitan ng kanilang lolo.
"Sige kausapin ko na lang," sambit na lang ni Katherine saka lumabas ng kanyang kwarto at nagtungo sa opisina ni Mr. Rodelio.
"Good afternoon, Lo," walang ganang bati ng dalaga kay Mr. Yuzon na may pitongpu na edad.
"Maupo ka muna, apo," saad ng kanyang lolo habang pumipirma ito ng mga papeles sa mesa. Tumititig sa kanya saka muling nagsalita, "Gusto ko sana makilala mo ang magiging bagong personal bodyguard mo."
"Sinabi ko naman po sa inyo noon na ayos na sa'kin si Kuya Fred?" dismayadong sagot ni Katherine. "Hindi ko na rin po kailangan ng bagong bodyguard, lolo. Sapat na sa'kin sila Kuya Fred at dapat nga eh mabigyan niyo rin ako ng kalayaan paminsan-minsan. Hindi 'yong ganito na parati akong napapaligiran ng mga personal bodyguards sa tuwing lalabas ng mansion." May mahabang pangangatwiran rin ang iginawad ng dalaga sa matandang lalaki.
"Pero mas magaling itong nakuha kong magiging bodyguard mo at higit sa lahat, maaasahan rin. Mas mapoprotektahan ka niya kahit saan. Kabisado niya bawat galaw at isip ng mga tao sa paligid kaya madali lang niya mapansin kung may panganib na darating," malinaw na pahayag ni Mr. Rodelio sa kanyang apo. Alam niya kung ano mas makakabuti para kay Katherine kaya gagawin niya ang lahat para maprotektahan ang dalaga laban sa mga taong nais saktan ito.
"Di ba gano'n, si Kuya Fred?" tanong ni Katherine.
"Magkaiba sila ng abilidad, apo. Kung papansin mo ang lalaking kinuha ko ay mas mahusay siya. Hindi ka magdadalawang-isip sa kanya," muling paliwanag ng matanda. "Mabuti pa nga papasukin ko na siya rito."
Tinawagan ni Mr. Rodelio ang kanyang executive secretary upang ipaalam rito na papuntahin na ang bagong hire niyang personal bodyguard sa kanyang opisina. Hindi nagtagal kaagad pumasok ang isang binata na may matikas na pangangatawan, may katamtamang taas at kulay ng balat.
"Luke Gabriel Bustoz!" sambit ng matanda sa buong pangalan ng binata. "Maupo ka."
"Salamat," seryosong sagot ni Gabriel.
"Siya ang tinutukoy kong bagong personal bodyguard mo, apo," nakangiting sambit ng matanda sa dalaga. "Gabriel, siya nga pala si Katherine Grace Yuzon na apo kong pagsisilbihan mo."
"Nothing different," reklamo ng dalaga. "With Kuya Fred. I think I don't need an another bodyguard, lolo." Habang tinititigan niya ang lalaki na nasa kanyang harapan. Seryoso ang itsura nito at halata sa kanya ang pagiging strikto.
Huminga nang malalim si Mr. Rodelio, "Makinig ka sa akin, apo. Kailangan mo ng isang tulad ni Gabriel para sa iyong kaligtasan. Hindi ako papayag na gano'n na lang dahil ikaw ang susunod na magmamay-ari ng negosyo na aking pinatatakbo at ninety percent ng aking kayamanan sa'yo mapupunta na," patuloy ang matanda sa pagkukumbinse.
"Ikaw lang higit na pinagkakatiwalaan ko pagdating sa ganitong mga bagay. Sana naman mapakinggan ang sinasabi ng lolo," nakikiusap na paliwanag ni Mr. Rodelio kay Katherine.
"Kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko. Nag-trained ako dati ng basic taekwando as a self-defense sa pagdating ng panahon na kakailanganin kong depensahin ang sarili kahit di na ako umaasa sa ibang tao para ipagtanggol ako." May kataasan ng boses subalit nanatili pa rin ang paggalang ni Katherine sa pakikipag-usap sa kanyang lolo.
Matigas pa rin ang ulo ng dalaga at ipinipilit niya pa rin ang kanyang sariling kagustuhan pero hindi nagpatinag ang matandang lalaki sa kanya. Mahal na mahal siya nito kaya di hahayaan na mawala lang sa isang iglap mga pinaghirapan niya ng maraming taon.
"Hindi gano'n kadali apo. Hindi isang ordinaryong tao o grupo ang nais humamak sa atin kundi isa ring maimpluwensyang tao katulad rin natin."
Hindi susukuan ng matanda na paliwanagan ang kanyang apo. Kailangan niya na siya ang masunod pa rin. Alam niya ang mas nararapat para kay Katherine. Noon pa man nang mamatay ang ina ng dalaga, wala siyang ibang inisip kundi ang kapakanan at kaligtasan nito.
"Sige na, Mr. Bustoz!" mabilis na tumango ang binata dahil alam na niya ang susunod na gagawin. Pupuntahan na niya ang magiging kanyang silid kasama ang isa sa mga katiwala ng matanda sa mansion. Tanging si Katherine at Mr. Rodelio na lamang ang naiwan sa opisina.
"Mauna na po ako, Mr. Yuzon," magalang na pahayag ni Gabriel sa matandang lalaki saka siya tinanguan nito at lumabas na rin.
Nanatili pa rin ang pag-uusap nila Katherine at ni Mr. Rodelio.
Muling nagsalita ang dalaga, "Please, Lolo Delio," sinubukan niyang makumbinse ito subalit nabigo na siya.
"Buo na aking desisyon at wala ng mababago roon. Mabuti pa, bumalik ka na lang muna sa kwarto mo Katherine. Marami pa ako aasikasuhin dito." wika ni Mr. Yuzon.
Hindi na nilingon ng matanda ang kanyang apo hanggang kusa ng umalis na lang ang dalaga.
"Pasensya na talaga, apo," saad ng matanda sa kanyang isip nang saglit tumitig sa pintuan kung saan nakalabas na si Katherine ng kanyang opisina.
Kaninang malapad ang ngiti sa mga labi ay ngayon ay napalitan ng pagkadismaya ang mukha ni Katherine.
"Ano nangyari, Kath?" tanong kaagad ni Arianne sa kanya pagkapasok pa lamang sa silid nito.
"Hays! Buo na talaga desisyon ni lolo. Wala na'kong magagawa pa," sagot ng dalaga.
"Sundi mo na lang siguro si lolo," aniya ni Arianne.
"I have no choice," pahayag ni Katherine nang may kasamang paghinga niya nang malalim. "Dapat pinanganak na lang akong mahirap atleast di ganito na parati akong babantayan kahit saanman magpunta."
"Kaso isinilang kang mayaman," dagdag pa ni Arianne.
"I regret it, Rian!" sambit ni Katherine nang may panglulumo na makikita sa kanyang mukha.
Nakabalik na rin ang dalaga sa kanyang silid. Naupo sa silya at sinubukang ipagpatuloy ang isinusulat niyang nobela. Subalit, hindi siya mapalagay dahilan para tumigil siya sa pagtitipa sa keyboard ng computer. Nawalan na siya ng gana sa pagsusulat.
Maya-maya pa ay biglang tumunog ang cellphone niya. Hudyat na may nag-text sa dalaga mula sa kanyang mga fanreaders.
From: Elaine
Pssst! Uy, Miss Lady Green.
Gora ka ba mamaya?
Katherine: Saan?
From: Elaine
Secret muna. Gagala sana tayo mamayang gabi eh.
Nag-message din sa kanilang groupchat si Jane.
From: Jane
Pwede ka ba mamaya?
Katherine: Pag-iisipan ko muna dahil nag-hire si lolo ng mas mahigpit na bodyguard kaya not sure kung makakasama talaga.
From: Jane
Ay sayang naman, Lady Green!
Sumali din si Therese sa kanilang usapan.
From: Therese
Tsk, minsan lang naman tayo nagkikita Miss Kat.
From: Elaine
Uy, girl ba't mo siya tinawag na pusa. Luh ka!
From: Thersese
Ano naman mali doon, noh? Saka mas comfy ako tawagin siya sa gano'ng pangalan. Kayo nga tinatawag niyo siyang Lady Green na masyadong sagrado ang pangalan.
Katherine: Ayos lang 'yan atleast may sarili kayong code name na itatawag sa'kin kaya madali kong malaman na ikaw 'yan, Therese. Oks din sa'kin na Lady Green itawag niyo tutal pen name ko naman 'yon.
From: Therese
Thanks.
From: Elaine and Jane
Okie.
Katherine: Well, titignan ko mamaya talaga kung makakalusot pa. I will text any of you na lang later.
From: Therese
Ibang klase ang diskarte 'yan. Sana maging successful.
From: Jane
Sana nga.
Katherine: Sige guys, bye. Text ko na lang agad kayo later.
Pagkalipas ng mahigit isang oras, nakagawa ng paraan si Katherine upang makatakas kaya nagmamadali siyang lumakad palayo sa kinaroroonan ng mansion. Sandali siya tumitigil sa labas ng isang convenient store upang i-text ang kanyang mga kaibigan.
From: Katherine
Nandito na'ko. Saan na kayo?
From: Jane
Nakasakay na kami ng taxi. Saan ka?
From: Katherine
Nasa iisang convenient store dito sa village namin.